#Jessa Melendres
Halos mangilabot ako sa titig ni April, katakot promise! Tumabi pa sya sakin, pumagitna pa sya samin ni what is his name? nakalimutan ko
"hey April, what's his name?" tumingin lang sakin si April tapos tumingin na ulit sa unahan, kasalukuyan ng naglelecture si ma'am at medyo serious ang paligid, napalingon ako sa bodyguard ni April na nakatingin na pala sakin, kinindatan pa ako, tss! Ang ganda ko talaga ngumiti ako ng matamis sa kanya.
May biglang urgent call ang prof at lumabas ng room iniwanan nya kami ng seatwork, medyo umingay sa room, humarap ako kay Dave
"Dave, you know that guy na kasama ni April?"
"wag mo na pagnasahan, gangster yan"
"really? That's cool!" lumingon sakin si Dave at tinitigan ako, ngumiti pa sya ng matamis sakin
"You're cute" seryoso nyang sabi, naconcious ako bigla sa ngiti nya, si Dave lang talaga nakakapagpatiklop sakin,
Agaw pansin ang biglang pagtayo ni April, kahit kami ni Dave ay napalingon sa kanya
"pasaan ka?" tanong ni boy kay April
"cr, sama ka Philip?" ah Philip pala name nya, umiling lang si Philip maya maya napatingin sya sa papel sa upuan ni April, napatayo sya at kinuha ang bag nya
"see you later!" sabi ni Philip sakin sabay labas ng room, napatingin naman ako sa papel na tiningnan ni Philip kinuha ko yun
"ano yan?" tanong ni Dave
"seatwork ni April, tapos na pala sya" ang bilis nya huh
#Philip Panganiban
Tsk! ang bilis talaga maglakad nun, nawala na sya sa paningin ko, lagot ako nito kay Kuya June, nakita ko yung shota ni April nasa likuran ng amo nya na may kasabay na lalaki, maya maya humarap yung amo nya sa kanya at umalis naiwan syang nakatayo dun, lapitan ko nga
"oi brad! Driver!" ano nga pangalan nito? Humarap sya sakin at iritang nagsalita
"baket!?"
"nakita mo ba si April?"
"huh! Nawawala ang tupa" sinong tinutukoy nya? Ako, nangaasar kasi ang tono nya
"sagutin mo na lang tanong ko"
"kung nakita ko sya kasama ko na sya ngayon, bobo nito" abat! Matapang ang driver na ito ah
"naghahanap ka ata ng sakit ng katawan" hindi nya ako sinagot at tumalikod sakin, talaga naman! Hinawakan ko sya sa balikat para iharap sakin tapos bigla na lang sya kumapit sa kamay ko at pinilipit ang braso ko, agaw pansin sa mga naglalakad sa hallway ang pag aray ko, masakit kaya!
"ah! Bitawan mo ako gago ka makakaisa ka sakin"
"eh di hindi lalo kita bibitawan"
"itigil nyo yan!" parehas kaming napatingin sa sumigaw at bigla akong binitawan ng kumag, yung babaeng lagi kasama ni April
"ano sa tingin nyo ginagawa nyo ha?"
"nauna sya" sabay naming wika at tinuturo ang isa't – isa
"tsk! wala akong panahon sa ganito may hinahanap pa ako!" tumalikod na ako sa kanila at iniwan sila
#Apple
Ang awkward bigla, hindi kasi nagsasalita itong si Boyet, may klase pa kaya ito? Mukhang nahihiya sya sakin, naikwento na kaya ni April dito yung pinag usapan namin?
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Novela JuvenilA story of two people who takes time to move on and find new love of their own