Chapter 50 Final Chapter A Fight for Love "Fearless April"

5 1 0
                                    


#April

Pagdating ko sa bahay walang tao syempre sinusulit nung dalawa ang huling araw nila dito sa Pilipinas, dumiretso akong kusina at kumuha ng tubig sa ref, pagkasara ko nun saka ko pa lang nakita yung sticky note.

"hindi na kami nakapagpaalam emergency kasi, balik na kaming Japan – Philip" ginasumot ko yung sticky note at ishinoot sa basurahan.bwisit.inubos ko ang tubig sa baso saka dumiretso sa kwarto at hinagilap ang cellphone ko at denial ang number ni Deina, pagkasagot nya nagsalita agad ako

"maaga kang gumising bukas mag-impake ka siguro pang tatlong araw na damit susunduin kita sa inyo ng ala sais ng umaga, wag mo akong paghihintayin babanatan kita, naintindihan mo?" sabay baba ko ng phone. Kinuha ko ang aking traveling bag at nagsimulang mag-impake ng tumunog ulit ang cp ko, tiningnan ko kung sinong nagtext si Deina,

"what for?" nireplyan ko sya

"I'm going to Japan and you're going with me! no more complaints just do what I said"

Pagkatapos ko mag impake hinagilap ko ang brown envelope na binigay ni kuya.

Kinabukasan, dumiretso ako kina Deina at naghihintay na sya sa labas ng bahay nila tumigil ang taxi sa tapat nya saka sya sumakay bitbit ang maleta nya, ang ganda ng bungad nya sakin

"what the hell is wrong with you? Are you insane? Why go that far?" tumingin ako sa kanya saka sa kabilang bintana ng taxi

"ikakasal sya sa Sherry na yun kung di ako magmamadali" natigilan sya sandali

"why suddenly get motivated April?"

"di ba eto naman sadya ang gusto nyo?"

"what do you mean?"

"come on Deina wag mo na ako pasadahan okay"

"fine! What's your plan?"

Pagkarating namin ng airport dumiretso kami sa waiting area at binasa ni Deina ang kontrata namin ng Preos, napabuntong hininga si Deina

"so, pipigilan mo ang kasal sa pamamagitan nito? April this is a bit unruly, isang malaking mafia organization ang kakalabanin mo dito, sigurado yun"

"kaya isinama kita"

"so ako ang ihaharap mo sa kanila?"

"ikaw marunong magjapanese eh" napakamot sa ulo si Deina

"this is a bit big favour April you'll pay for these"

"I know, I will"

Natagalan ang byahe kaya inabot na kami ng gabi at pagkadating naming ng airport ng Japan, saka pa lang ako kinabahan

"so san muna tayo nito?"

"kailangan natin makahanap ng matutulugan, hahanapin pa natin ang opisina ng mafia nina Philip" pareho kaming nagpalinga linga ni Deina sa paligid ng may maliit na babae ang lumapit samin siguro nasa mga 40 plus na sya

"mga hija Pilipino kayo ano? Bago lang ba kayo dito sa Japan?" napangiti kami pareho

"opo kailangan po naming makahanap ng matutuluyan may kailangan din po kaming puntahan sa ngayon yung matutulugan po muna ang mas kailangan namin"

"ah ganun ba dun sa amin may bakante pa, maganda ang lugar kaso medyo masikip, puro mga Pilipino nakatira dun ayos lang ba sa inyo?" nagkatinginan kami ni Deina at sabay na napatango

Pagkalayo namin sa airport sasakay na sana kami ng taxi ng biglang may tumigil na itim na van sa tapat namin at biglang hinila papasok si Deina, sinapak ko yung isang nakakapit sa kanya mga nakaformal na suit at shades sila, hindi ko namalayan na meron na din pala sa likod ko at marami sila, nanlaban ako kaso naunahan nila ako at naramdaman ko na lang na may tumama sa tyan ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon