Chapter 16 The Mother and the Time University

11 0 0
                                    


#Philip Panganiban

"come on April butt out, hindi ka kasali dito mamumura ako ng kuya mo eh"

"mangingialam ako hangga't andito ka sa campus na to" napapadyak ako sa semento

"gusto ko lang sya makita, anung masama dun"

"you're a treat to this school, Preos Gang leader Philip!" wika nung isang babae na kasama ni April namumukhaan ko ito, ito yung babaeng laging kasama ni Jr

"how come you know him Apple?"

"how about you? How did you know him?" haa...y!

"this is TIME University's premises you really had guts Philip"

"ow look who's here the President of the student council Mr. Dave Fontelion, kamusta na? nag eenjoy ka ba sa posisyon mo?" wika ko na ikinakunot ng noo nya, I like that

"oi April! Hindi mo ba gustong itanong sakin kung pano ko nakilala si Dave?"

"di na! wala naman akong pakialam, umuwi ka na!" tsk! mataray pa rin as usual

"susunduin kita mamaya, pinapakaun ka na ng kuya mo pinapalayas ka na daw sa mansion" nagulat silang lahat sa dala kong balita tinitigan ko si Dave

"napalipat ng opisina ang kuya mo at dun ka na matira sa dati nyong bahay kasama ko" wika ko na hindi inaalis ang tingin kay Dave, nakita ko syang nagkuyom ng kamao, haha ang sarap mang asar

"anong sinasabi mo Philip?" wika ni April

"babalik ka na sa mansion ng Renas, napromote na ang kuya mo, nagbunga na ang dalawang taon nyang paghihirap April" tumalikod na ako sa kanila at umalis ng campus


#Dave

Natigilan kaming lahat sa dalang balita ni Philip, si Philip ang leader ng Preos gang na nagtangkang sakupin ang TIME noon, kami ang pumigil sa kanya, pero bukod sa pagiging gangster ni Philip sya din ang naatasang maging bodyguard ni April sa ilalim ng kautusan ni Kuya June, ang dating trabaho ni Mori na ipinasa sakin at ibinaba kay Philip, pero admitted naman ako na mas nauna syang naging kakilala ni Mori at Kuya June kesa sakin at hindi nalalaman ni April

"President may laban pang nagaganap sa abandoned building"

"oo, tara na"

"sasama ako" wika ni Apple

"a-ako din!" wika ni April

"bahala kayo"

pagdating namin sa building halos maubos na tauhan ni Jr at puro pasa na din sya, mga myembro pa rin sila ng Preos gang susugod na ako ng biglang humiyaw si April

"Preos Gang........!" natigilan lahat at napatingin sila kay April ng Makita nila si April lahat sila ay nagsitayo ng ayos at yumuko sa kanya

"umalis na si Philip nagawa na nya misyon nya, pwede na din kayong umuwi, dalhin nyo yung mga balda nyong kasama" nagsisunod sa kanya ang lahat at umalis ng building

"April! Pano mo sila napapasunod?" tanong ni Apple

"amo nila ako eh"

"ha? Ikaw ang leader?"

"hindi, ako lang ang amo"

"hindi ko gets"

"tsk! wag mo na nga alamin"

"April kelan mo pa ito nalaman?" tanong ko kay April

"simula noong gang war sa TIME a year ago, andun ako nanunuod" napatitig kami kay Apple at di makapaniwala

Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon