#April
Kasama ko ngayon si Apple at Boyet alas dyes na ng gabi at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagdesisyon sumama na nga lang ako sa date ng dalawang ito para maaliw ng konte, sorry naman naabala ko pa sila, sya nga pala sila ng dalawa.
"kelan pa?" tanong ko sa dalawa na magkaharap sa isa't isa at di man lang tumitingin sakin
"last week pa"
"oi Boyet anung pinag usapan nyo kanina nina Harvy?"
"boys talk di pwede sabihin" tsk!
"kahit sakin?"
"sorry Apple di talaga pwede" sumimangot naman si Apple, nakakaintriga talaga yung pinag usapan nila eh, tumayo na ako at iniwan ang dalwa, pumunta ako sa tindahan at bumili ng sigarilyo, wala lang itra-try ko lang kasi feeling ko pampatanggal stress yun eh, sisindihan ko na ng may biglang humigit nun at diretsong itinapon sa basurahan
"kelan ka pa natutong manigarilyo ha?"
"Dave? Anung ginagawa mo dito?"
"asan na naman ba yung gwardya mo bakit di mo na naman kasama? Isa pa yang boyfriend mo pabaya ka lang"
"wala namang pakialam sakin ang boyfriend ko eh"
#Dave
Parang tinusok ang dibdib ko ng marinig ko iyon kay April, mukhang ramdam naman nya ang kalamigan ng boyfriend nya sa kanya, alam na din kaya nya na pinagtataksilan sya nito?
"makipagbreak ka na, mukhang hindi na kayo nagwo-work out eh, wala na din kayong spark" tumawa sya ng mahina
"spark? Wala naman sadya kami nun kahit nung umpisa"
"anong ibig mong sabihin?" tumitig sya sakin saka ngumiti ng mapait
"hindi naman nya talaga ko mahal" ngumiti sya saka yumuko
"ang sakit lang, mahal mo sya pero di ka nya mahal" napakuyom ako ng kamao
"ikaw Dave, sigurado ka ba kay Charmaine na mahal ka nya?"
"oo naman!" mabilis kong sagot
"mabuti naman" wika nya habang nakayuko tumayo sya at nagpamulsa
"anong ginagawa mo dito?"
"ahm....maghahanap ng ka-race" pagsisinungaling ko, ang totoo tinawagan ako ni Philip at sinabing tumakas na naman si April at pupunta na naman sa walang kwenta nyang boyfriend
"asan na ba boyfriend mo??"
"kasama si Apple" eh? Lantaran talaga? Hayop naman Bobby!
"asan sya!?"
"ihatid mo na lang ako Dave gusto ko na umuwi" nawala bigla ang inis ko sa malamyong boses ni April, mukhang malungkot talaga sya ngayon
"sige" nauna akong maglakad nadaanan pa namin sina Apple at Bobby, tsk! hindi naman sila pinansin ni April, ayoko naman magtanong mamaya alam na pala nito ni April masaktan ko pa sya lalo
#April
Tsk! ang lala naman ng sitwasyon ko, bakit ba kasi yun pa ang naitanong ko, alam ko na naman na mahal nga talaga sya ni Charmaine, wala na akong makitang dahilan para ipaglaban pa ang nararamdaman ko para kay Dave, susuko na ba talaga ako?
"April"
"hmm?"
"andito na tayo" napalingon ako sa may bintana ng kotse, nasa bahay na nga ako, tinagtag ko ang seatbelt ko at akma ng bubuksan ang pinto ng kotse ng mapahinto ako sa sinabi ni Dave
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Novela JuvenilA story of two people who takes time to move on and find new love of their own