#Aleya Villas
Pumunta akong student council para kulitin si Dave, kaso si Jerry na lang natira duon, kay Jerry ko na lang kaya itanong hmm duda ako na magkwekwento ito
"oi Jerry!" napatingin sya sakin saglit tapos tinuloy na ang pagsusulat nya
"asan si Dave?"
"baka nasa sports committee nag aayos ng gusot nya"
"gusot? Anung gusot?" ngumiti sya sakin
"wow Aleya napapaghulihan ka na ata" tsk!
"ano nga?"
"nag away kasi si Pres at Jin kahapon sa practice game ng baseball kahapon"
"ah...yeah I heard that but that's just so minor" wait, si Dave at si Jin
"oi Jerry, di ba dati tumutulong dito si April sa council, may napapansin ka ba between April and Dave?"
"wala, sila pa talaga gagawan mo ng istorya ha, pareho na silang may shota"
"tsk! tsk! tsk! tsk! yan ang hirap sa mga lalaki masyadong slow, madalas siguro kayo mag away ng girlfriend mo"
"wala akong girlfriend" natahimik ako
"eh di ex!"
"wala din akong ex" seriously!? Eh barkadahan kaya sila ng mga babaerong lalaki nina Dave imposibleng wala pa itong nagiging girlfriend
"huh! As if maniniiwala ako sayo"
"you don't have to believe me I'm just saying the truth" napatitig ako kay Jerry, may itsura naman sya medyo nag eemit lang sya ng suplado aura, tumigil sya sa pagsususlat saka dahan dahang tumingin sakin
"tutunawin mo ba ako ha?" natulala naman ako sa statement nya, san nya napulot yun?
"ha! Ha –ha-ha! " hindi nya ako pinansin at pinagpatuloy nya pagsusulat nya, tsk! pupuntahan ko muna si Shinna
#Shinna Raqiem
Kasalukuyan silang nagpra-practice ng cheer actually lahat kami habang ako hindi nakikisali nakakatamad wala akong energy ngayon kaya nasa tabi lang ako at nanunuod sa mga magpra-practice game sa baseball
"oh God! Anjan na si President Dave" napalingon naman ako agad
"Shinna an jan si Dave" sigaw sakin ng kasamahan ko sa cheering squad, napatayo naman ako, ng Makita ko sya napako na ang paningin ko sa kanya, katulad ng dati ang suplado ng dating nya pero parang lalo sya gumagwapo kapag nagsusuplado sya
"oh my god! Si Jin!!" sigaw ng mga babae sa kabilang bench, napalingon din naman ako sa Jin, gwapo din nga kaso si Dave pa rin ang lamang! Nakatitig lang ako kay Dave habang naglalaro sila yung mga kasama ko chinicheer si Dave
"ay anu ba naman yan binoblock ni Evans ang view ko kay Dave" nasalo ni Evans ang bola at agad na inihagis sa base, safe! Nag-apir sila ni Paolo, ngayon ko lang ata sya nakita ngumiti ng ganun, everytime kasi na lalabas silang baseball team officers eh sya lagi ang nasa hulihan, madalang pati sya makisocialize at tahimik din sya, nacurios naman ako bigla sa kanya, close kaya sila ni Dave? Alam kaya nya na. . . . nawala ako sa isip ko, oh god! I'm just talking at myself aren't i? kelan pa ako tumitig sa lalaki kung hindi si Dave
"Shinna.....!" oh? Aleya, sya na nga pala sunod na magbibigay ng trial kay Charmaine, kung ano man yun tsak tsismis yun
"what?"
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own