#Dave Fontelion
Prente akong nakaupo sa baras habang hinihintay si Bindar bumili kasi sya ng yosi, nakaupo na sa mini table sina Adik, Shoteng at Big boy
"wah.....Dave, bigatin ka na pala ngayon, ganda ng kotse mo ah" - Shoteng
"oo nga dati-rati, naglalakad ka lang pauwi at papapuntang school kasabay sina April at Mori" – Big Boy
"oi oi wag kayong ganyan, nalulungkot si Dave oh!" – Adik, huh! Walang kupas ang mind reading ng Adik na to
"ano yung gusto mo itanong Dave" sa wakas dumating na si Bandir ito lang kasing lalaking ito ang matinong kausap sa grupo nila
"kamusta kayo?" tanong ko
"HUH!?" sabay sabay nilang reaksyon
"si Dave ba talaga to?" – Big Boy
"baka kamukha lang nya" - Adik
"imposibleng mangamusta satin si Dave" - Shoteng
"wala sa mukha nya na marunong sya makisocialize" - Bandir
"tsaka hindi nag iimik yun si Dave, kamao lang nya pinapagsalita nya" dagdag ni Bandir, nakatitig lang ako sa kanila habang pinaguusapan nila ako ng malakas nakakainis ang mga ito pero di ko maipaliwanag parang natutuwa pa ako na alam nila yung ganung side ko, tanda lang na may pinagsamahan kami, kahit na lahat ng yun ay puro bugbugan moments lang tsaka hindi naman ako nambubugbog ng pino sa kanila si April yun
"tapos na kayo?"
"ih....!" Sabay sabay nilang reaksyon hmmp. Hanggang ngayon pala nagugulat ko pa rin sila kapag nagsasalita ako bigla, dahan dahan silang napatingin sakin
"Dave, patawad namiss ka lang namin kaya namin yun pinagsasasabi" - Shoteng
"oo nga oo nga tsaka di lang kami makapaniwala ngayon" – Big Boy
"ang tagal na kasi nating di nagkikita dalawang taon mahigit na" – Adik
"hindi mo naman kami siguro masisisi kasi kahit naman sino nagbabago" – Bandir, see? Si Bandir lang may sense ang sinasabi sa kanila
"ahahahahahaha, katal na katal kayo ah! Hindi ko naman kayo kakatayin eh"
"eh kasi naman tuwing makikita ka namin kapag kasama mo si April kung makatingin ka para kang manlalamon" - Bandir
"kasalanan nyo naman yun inaaway nyo kasi si April"
"inaaway? Kaya pala kami lagi umuuwing luhaan" bulong ni Shoteng
"kamusta na kayo ni April?" – Big Boy
"kayo pa ba?" – Adik, tumayo ako at humarap sa kanila
"yun nga ang gusto ko itanong sa inyo, anung balita na kay April, dito pa ba sya nakatira?" parang nagulat sila sa tanong ko
"ah........................? Nakikita pa namin sya minsan pero minsan na minsan lang talaga parang hindi na sya dito nagtititigil" – Big Boy
"si June na lang natitira sa bahay nila" - Shoteng
"hindi na nga kami pinapansin nun ni April tsaka parang iba na sya ngayon" – Adik
"yung mukha nya kapag natingin kala mo anghel, halimaw naman sya sa loob" – Bandir
"ikaw Dave, ka...........mus...ta ka na?" napatingin sina Shoteng, Bindar At Adik sa tanong sakin ni Big Boy
"ayos naman kita nyo naman di ba?" natahimik sila at napatitig sakin
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own