Chapter 17 Harvy Deeds and the Secret Family Picture

9 0 0
                                    


#April

Kakarating lang namin sa bahay at inabutan ko si Mama sa kusina, wala pang mga katulong, pero mukhang may tutulong naman samin sa pag aayos ng bahay andito naman si Kuya at yung si Ate Marisse, hindi ko pinansin si Mama kaso pinansin nya ako

"April, tulungan mo ako magluto"

"nah...! Alam nyong hindi ako marunong magluto"

"wag kang sinungaling tinuruan ka nito nung mga summer classes mo, pumarito ka!" tsk! bakit ba kasi alam nya lahat ng pinag aralan ko dun, no choice baka hindi ako pakainin ng hapunan nitong mangkukulam na to

Lumapit ako at pinanuod sya magluto, tsk! ang lalaki ng gayat ng sibuyas, durog yung bawang? Anu ba yan!

"tinatanga mo jan? kunin mo ito hugasan mo"

"ano bang niluluto nyo?"

"adobo" nagpigil ako ng tawa

"seriously?" napalingon sya sakin at tinaasan ako ng kilay

"problema mo?"

"akala ko kasi kung anong recipe lulutuin nyo durog na durog kasi yung bawang"

"anong ibig mo sabihin"

"excuses me Ma ako na magluluto dun na lang kayo sa sala ako na bahala dito, may kasama si kuya i-entertain nyo muna" inagawan ko sya ng pwesto at tumayo lang sya sa tabihan ko nagtaka ako kaya lumingon ako sa kanya

"bakit?" tanong ko

"you just called me Ma" nagkatitigan kaming dalawa

"so you prefer being called witch?" bigla nya akong binato ng pot holder sa mukha, aba! Saka sya umalis papuntang salas iniwan nya ang apron na nakasabit sa upuan


#Renna Renas

Nakakapanibago ngayon si April mukhang may kinahinatnan naman ang mga summer class nya, Nakita kong may nakaupo sa sala na dalaga ng Makita nya ako tumayo sya at yumuko tanda ng pag galang

"good evening po Tita, ako po si Marisse, Marisse Fuento girlfriend po ni June" girlfriend? Nabawi lang nya kumpanya may girlfriend na kaagad sya? Samantalang noong pinaghahanap ko sya lagi nyang sinasabi na hindi nya ipagpapalit yung una nya

"good evening take you're seat" umupo sya at mayuming ngumiti sa akin

"where is June?"

"pumunta po saglit sa kwarto nya magpapalit at may aayusin pa daw sya"

"gaano katagal na kayo ng anak ko?"

"mag iisang taon na po ngayong august" isang taon? Aba at matagal na pala bakit ngayon lang ito nagpakita sakin

"may trabaho ka ba iha?"

"opo, producer po ako sa SKY Productions" hmm...

"how about your parents?"

"they passed away already, yung nakababatang kapatid ko na lang po kasama ko sa bahay, though he's not my real brother, his name is Harvy, Harvy Deeds"

"well I'm sorry to hear that"

"it's ok ma'am"

"ano pasado na ba sya?" singit sa usapan ni June

"it's not like I'm interogating her didn't I?"

"I thought you're cooking our dinner?"

"April is doing it now"

Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon