Chapter 18 A Familiar Face "The New Dean"

7 0 0
                                    


#April

Hinihintay ko lumabas sa office si Apple, ang tagal naman nya, tinext nya ako at patapos na daw sila, salamat naman, maya maya bumukas na ang pinto at nauna kong nakita si Neya, kasunod nya ang iba pang members ng student council, pati si Jury andun din, andami pala nila, huling huling lumabas si Apple kasunod si Dave, nagtama paningin namin pero agad akong umiwas ng tingin

"sorry pinag hintay kita" wika ni Apple

"okay lang tara" tatayo na sana ako ng magtanong bigla si Dave

"nasaan si Deina bakit wala sya sa meeting?"

"malay ko dun baka kasama na naman si Harvy"

"nakaka-disappoint na yan si Deina huh, pinapabayaan na nya mga responsibilities nya" wika ni Jerry ang auditor ng student council

"she's a very busy person everyone knows that" pagtatanggol ni Felise student council treasurer bestfriend ni Deina, hindi na umimik yung iba at nauna ng umalis

"where are you going Apple?" tanong ni Dave

"bakit ba lagi mo akong tinatanong ng ganyan, guardian ba kita?"

"ang init naman agad ng ulo mo tinatanong lang eh"

"wag ka magpanggap na concern sakin Dave, nakakasura lang"

"concern talaga ako sayo"

"shut up! Like I would believe you!" hinila na ako paalis ni Apple at grabe ang higpit nya makakakapit

Hiningal din sya sa wakas at binitiwan ako

"ano bang nangyari bakit parang galit ka kay Dave?"

"ang hinayupak na yun! Akala nya siguro purket nalaman nya bibigay ako sa kanya"

"nalaman ang alin?"

"na crush ko sya" natigilan kami saglit

"April alam mo ba na hinahamon ng lahat ng ex ni Dave si Charmaine?"

"eh! Bakit naman?"

"kasi nga nabalitaan nila na si Charmaine daw ang gagawing fiancé ni Dave" alam ko na yun eh, limot ko na un eh tsk!

"ah...." Napatitig sya sakin

"ex ka rin nya di ba? Hahamunin mo din ba si Charmaine?" napakunot ang noo ko

"why would I? wala na naman sakin yung samin ni Dave" napangiti ng maaliwalas si Apple, napasandal sya at tumingin ulit sakin

"kamukha mo sya, yung bagong dean at grabe kaugali mo pa, alam mo bang habang kausap nya kami nagungulangot sya at parang wala syang gana ng humarap sya samin, at yung pinag usapan namin puro kalokohan hindi nga sya ma-take ni Deina eh"

"sinasabi mo? dean yun! imposibleng may ganung dean lalo na at dito sa TIME"

"malalaman mo kapag nameet mo na sya" tumayo sya at hinila ako patayo

"tara kumain nagutom ako bigla eh, tumango na lang ako at sumunod sa kanya

Pumunta kaming canteen at nakasabay namin sina Dave nasa kabilang table nga lang sila, silang dalawa lang ni Charmaine, maya maya dumating si Jr

"kamusta nga pala yung club natin, kelan tayo magmi-meeting?" tanong ko kay Apple na busy sa pagkain ng burger

"bukas pa wala pa nga tayong players eh, may kilala ka bang babae na naglalaro ng softball? di ba sabi ni Fatima at Pinky sasali sila?"

"eh? Ewan ko lang si Fatima pero si Pinky naku wag mo na asahan yun ayaw masisira ang kuko"

"magpost na lang tayo ng invitation sa bulletin"

Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon