#Paolo Sandoval
Two years ago at Time University, may bagong transfer na estudyante galing sa Blue Crest Academy, tahimik at hindi mahilig makipagsocialize, kilala sya sa tawag na Kiddo, dahil maliit na lalaki sya, kung ikukumpara sya sa mga 3rd yr ng Time University na parang mga player ng basketball team eh nagmistulan syang kinder
Small but terrible, yan ang madalas na marinig ni Dave tuwing mapapasama sya sa mga meeting sa student council, isa kasi syang student assistant, matalino, magaling at madiskarte, naging popular din sya sa mga babae at ginawa nya itong paraan para maiangat ng kaunti ang sarili nagawa nyang palakarin ang mga estudyante sa kanyang palad at ng magtagal ay nakuha nya ang atensyon ng maraming kalaban isa na duon si Deina na kasalukuyan noong president ng student council, napapasama din sya sa rambol at dahil duon lalo syang naging kilala sa school may pagkagangster din pala si Dave naalala ko pa noon sinabi nya samin na hindi naman daw talaga sya palaaway nakuha lang nya iyon sa kaibigan nyang babae sa pinanggalingan nyang school, humanga kami noon sa kanya kapag nakikipag away na sya, halimaw sa lakas, kaya nauso din ang mga gang fight noon na hindi kinayang kontrolin ni Deina at nung mga panahong iyon ang gang ni Jr at si Dave lang ang humarap sa lahat ng kalaban syempre sumali kami sa riot at nanalo naman kami, simula noon taas na ng respeto namin sa kanya, kinatakutan din sya ng mga estudyante, isang bagay lang talaga kinaayawan namin sa kanya ang pagkakaroon nya ng napakalakas na charms, ang daming babaeng nagkandarapa sa kanya lalo na nung tumangkad na sya maging ang mga babaeng natitipuhan namin noon kahit yung babaeng type ko nung hindi pa ako naiikasal kay Fatima.
After a year na-accelerate sya at naging official member ng student council, simula noon naging pakilamero na ang Kiddo, lahat na ng issue sa school ay inalam at kinalkal marami syang nasagip at marami din syang naasar, vice president na sya noong magdeklara sya sa buong school ng Ruling Domination na magtatagtag kay Deina sa pagiging president sa susunod na eleksyon, hindi na naming ikinagulat ang pagkapanalo nya at ngayon sya na ang naghahari sa TIME University, isang bagay na ikinagulat namin sa kanyang speech noong ma-elect sya ay nung sinabi nya na ang lahat ng paghihirap na iyon ay iniaalay nya sa mga kabatch nyang papasok sa TIME sa susunod na taon,
3rd yr college na kami ngayon hindi namin kasabayan si Dave pero ka year level na namin sya ngayon, accelerated kasi eh
"oi Paolo?" natauhan ako
"hanggang kelan ka pa jan?" tanong ni Jan nakatingin sakin silang lahat
"ehehehe, pasensya naalala ko lang yung nakaraan"
"si Kiddo?" nakangiting tanong ni Rey
"haha nakakamiss ang mga gang fights noon" sabay ngiti ni Jan
"anong pinag uusapan nyo dyan tara na" napalingon ako sa aking asawa, lahat ng inis ko kay Dave noon tuwing inaagawan nya ako ng babae ay nawala simula noong makilala ko si Fatima, si Fatima ang kaisa isahang babae na tumanggi kay Dave at ipinagmalaki ako bilang boyfriend nya noon naalala ko pa ang mga sinabi ni Fatima "magaling pang magkaboyfriend ng gangster na katulad ni Paolo kesa sa babaerong tulad mo! Nakakainis ka Dave!nakakasura ang pagmumukha mo!" lumapit ako at niyakap sya, nagulat sya kaya napalayo sya saken pero hinigpitan ko lalo ang yakap, natulala sa ginawa ko ang mga kolokoy pati yung mga kasama ni Fatima, binulungan ko si Fatima
"I love you Wifey"
"i-ilove you too? Ano nangyari sayo?" umalis ako sa yakap at hinawakan sya sa kamay sabay hila
"tara na"
#April Renas
Sweet! Nakakainggit naman........kaso hindi ako makakapaglandi hanggat under ako ng bruhang si Deina, buti pa si Fatima, asawa na nya ang mahal nya, akala ko talaga noon si Mori na ang para sa kanya eh, naglalakad kami sabay sabay ng may nag aanounce mula sa school studio "all students of TIME University please proceed to your respective classrooms we will have our formal meetings and elections of officers"
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own