#April Renas
Tsk! may pinag-iba daw ang detention dito kesa sa detention sa BCA, wala naman eh puro salita lang naman pala si Dave! Biglang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawa pang lalaki, may mga bangas ang mukha nila, siguro nag away ang dalawang ito at di na napigil, nakita nila ako pero hindi sila lumapit, nagkanya kanyang sulok kami, mahabang katahimikan ang gumitna samin hanggang sa nagdesisyon akong umimik sa pinaka maamo kong boses
"anung kasalanan nyo at nandito kayo?" bahagyang tumingin sakin yung isa pero bumalik din sa pagyuko nya yung isa naman tinititigan lang ako, creepy, walang balak sumagot sige! Naiinip na ako at ngalay na ang batok at puwit ko kakaupo sa sahig ang tagal naman ako palabasin dito, walang kagamit gamit, wala ding bintana ang dilim hay! Makatulog na lang humiga ako ng nakatalikod sa kanila, tutulog muna ako
"oi babae!" napamulat ako saglit pero hindi tumingin sa kanila
"di ba ikaw yung utusan ni Vice Deina? Anung ginagawa mo dito?" wow hindi yung pangalan ko ang popular dito kundi yung pwesto ko, bahala silang magdadakdak, itutuloy ko tulog ko
"oi Seth! Bakit hindi natin kasama dito yung apat? Bakit tayo lang napaparusahan ngayon?"
"sa kabilang detention sila, alangan namang pagsamahin nila tayo eh mag kakaway tayo" hmm! Tama nga ako nagkabulbugan sila
"ano bang iniisip ni President at isinama yang babaeng yan dito sa detention? Eh puro pang lalaking issue lang ang nangyayari kapag nadedetention"
"malay mo ibang klaseng babae yan kaya andito ngayon" napangiti ako
"tulad na lang ni Apple" napatayo ako bigla
"nadetention na din si Apple dati?" nagulat sila sa tanong ko
"oo! Madalas kapag napapaaway sya, basagulero ang babaeng yun basta naglaro na yun ng softball napapaaway lagi" haha! May makakasundo pala ako dito sa Time, sabi ko na nga unang kita ko pa lang sa babaeng yun malakas ang kutob ko na mag kakasundo kami, masungit na suplada pero matulungin!
Tumayo ako at dumiretso sa bakal na pintuan, at nagsimulang pagsisipain ang lock, isa!
"oi ooi! Anung ginagawa mo masakit sa tenga" dalawa!
"kung gusto mo makalabas mag intay ka na lang imposibleng mabuksan mo yan" tatlo!
"oi ano baa ng ingay eh!" apat! Tumigil ako at lumingon sa dalawa
"sabi ko sayo hindi mo mabubuksan yan eh, bakal kaya yan! Palagay mo sa sarili mo si Black Leg Sanji!" nanunuod sya ng One Piece? Magkakasundo kami nito
"anung pangalan mo?" tanong ko dun sa lalaking madaldal
"Seth" ah.... Humarap na ulit ako sa pinto sabay sipa sa pinakamalakas kong bira, nasira yung samento na pinagpasakan ng lock, napanganga sila, inayos ko ang pinto at binuksan viola! Nasa labas na ako
"oi wag kayong lalabas mapapagalitan kayo, isasara ko na to" pagkasara ko dumiretso ako sa field
#Seth Macapagal
Grabe akala ko bulaklak ang babaeng yun, tigre pala! Mas malala pa sya kay Apple nadami na ata ang mga babaeng amasona dito sa TIME
"akala ko sisirain nya talaga yung bakal"
"akala ko nga din, imposible naman yun pero sa lakas ng sipa nya akala ko talaga matatangggal yung pinto"
"lalabas ba tayo?"
"huh!? Adik kaba? Mas malilintikan tayo kapag aalis tayo sa detention tsaka never pa nangyari na may nakatakas sa detention!"
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own