#April
Hay...nakakainip talaga kapag sabado tsk! nakaalis na kaya yung dalawa? Napatayo ako sa kama at iginala ang mata sa buong kwarto ni Philip, may makikita kaya akong stuff about sakin dito sa kwarto nya? Napalingon ako sa picture namin ni Philip sa study table nya, kinapitan ko ang picture frame at tinitigan. Biglang pumasok sa isip ko ang picture ko sa kwarto ni Dave noon sa apartment nya sa barangay iskwater na nakaframe din
"tsk! bakit kailangan maalala yun?" ibinaba ko ulit ang picture frame sa lamesa at muling iniikot ang mata sa kwarto ni Philip
Lumapit ako sa cabinet ni Philip at binuksan iyon, nagulat ako, lalaki nga sya, medyo magulo ang damitan nya, napatigil ang aking mata sa isang pair ng uniform, inilabas ko iyon at tiningnan ang bawat detalye, isang puting polo na may bulsa sa bandang kaliwa at may logo na Blue Crest Academy, tama, gradute din sya sa BCA at nalaman ko na lang na pareho kami ng pinapasukang school noong pumunta sya ng headquarters na nakauniform, first time yoon at may emergency kaya hindi na sya nakapagpalit
"sa BCA ka din napasok? Wah...! Ngayon ko lang nalaman! Anung section mo? Parang hindi naman kita nakikita sa school? Paano mo nagagawa yun?"
Natawa ako sa reaksyon nya nun na parang gulat na gulat ng marealize nyang nakauniform pa sya nun na para bang isang malaking sekreto nya ang nabunyag
Nawala ako sa pagmumuni-muni ko ng magring ang cellphone ko at nakita kong si Deina ang natawag
"bakit?"
"pumunta ka dito sa bahay, dalhin mo lahat ng naresearch mo, ubos na oras ng paghihintay ko, bilisan mo!" and then she hang up
Tsk! kala mo amo ko parin sya kung makapag utos, research? Anung research? Ah! Patay!
#Deina
Nasa harap ko na ngayon si April at parang kiti kiti na di matali sa kinatatayuan.
"umupo ka nga!" umupo naman agad sya
"asan na ang pinahahanap ko sayo?"
"ah-ano kasi—"
"ano!?"
"hindi ko pa tapos, may ilan na akong nainterview kaso kakaunti lang alam nila"
"sino-sino ng natanong mo?"
"si Jr, Mori, Jin, Marinella, Mary, Seth, ahm..sino pa ba? si Dave"
"anung sabi ni Dave?"
"yang....alam mo naman yung about sa Preos di ba, dun daw sila nagkakilala ni Philip"
"ano pa?"
"hindi daw sila magkasundo kaya hindi nya nakakausap si Philip, ang alam lang daw nya ay si Philip ang may hawak ng Preos Gang at utusan sya sa pagbabantay para sakin"
"anything else, what about his background?"
"ahm, alam na naman ng lahat na ama nya si Jouvanni Panganiban ang mama nya......hindi ko kilala" biglang nagkaron ng puzzled look si April
"kilala mo ba ang nanay ni Philip?"she asked. as expected wala syang alam about sa buhay ni Philip
"I think I met her once, on a business trip with my mother, I think their buddies, friends, she stayed at their own farm, doing farming works"
"magsasaka nanay ni Philip?"
"yes, she's a very industrial woman, but she's really elegant when she wears dresses" literal na napanganga si April
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own