Chapter 28 Turning Point of Love

9 0 0
                                    

#Philip Panganiban

Haaaaaaaay! Nakakamatay talaga mag aral kung hindi lang kay Kuya June di na ako papayag maging bodyguard ng pasaway na April na ito, nadadamay pa din ako sa gulo, kung alam lang nila ugali ng pinag aagawan nila at kung makikita lang nila itsura nya noon ewan ko lang kung mag kakagusto pa sila sa kanya, ako nga...............................................................................................................................never mind.

"ano tatayo ka na lang ba jan Philip? Tapos ko na si Seth, ikaw na lang" wika ni Jr, nasa abandonadong building kami ngayon

"hay! Walang kwenta naman itong ginagawa natin eh"

"anung pinagsasasabi mo pumarito ka na takot ka lang mabulbog eh"

"may gusto ka talaga kay April Jr?"

"oo" ang leader ng Odex Gang may gusto sa amo ng Preos Gang? Patawa sya

"seriously ano bang nakita nyo sa kanya?"

"i-ikaw a-ano bang na-kita mo sa ka-kanya?" nakakaawa itong si Seth

"jan ka na lang sa sahig itulog mo na lang, loser!" walang awa talaga itong si Jr

"anung nakita ko sa kanya? Wala, kailangan ko lang sya protektahan sa mga katulad nyo"

"makapagsalita ka parang hindi ka din demonyo at kalahati ah" tumayo ako at akma ng aalis doon hahanapin ko na naman si April nito dapat talaga hindi ako nagpadala sa init ng ulo kanina eh ayan tuloy

"oi Philip! Duwag ka talaga" haaaaaaaaaaay! Talaga naman!

"para san pa at hinahamon mo ako Jr? eh hindi naman ako ang karibal mo, wala dito sa building na ito ang totong karibal nyo" napatitig ang dalawa sakin

"kung hindi si Dave, malamang yung lalaking kaklase nila noon, pero nasa California na yun eh, kaya si Dave nga lang talaga ang problema nyo"

"give up na si Dave kay April, papakasalanan na nga nya si Charmaine eh" ano? tsk! ang Dave na yun.... ang gilo talaga nya kausap!

"ganun, eh di sige" ako na ang sasalo sa kanya, total si Dave lang naman ang hinihintay kong mawala sa eksena. Humarap ulit ako kay Jr

"bilisan na natin hahanapin ko pa si April"


#Jr Macaluan

"anong nangyari sayo?" tanong ni Dave ng makita nya ako sa parking lot, uwian na kasi, napasandal ako sa kotse ko

"akala ko weakling yun si Philip mula nung nakita natin syang binubulbog lang ng mga pipitsugin noon sa barangay iskwater, may hang over lang pala sya nun"

"sya ba gumawa nyan sayo? Reresbakan ba natin?"

"di na suntukang lalaki yung ginawa namin kanina eh"

"bakit ba?"

"pare, may kaklase ba kayo noon na nanligaw na kay April noon?"

"kaklase? Nanligaw? Wala! Mga takot lahat kay April pero may naging boyfriend sya bukod sakin"

"sino?"

"si Jury"

"HA!!?" naging sila ni Jury?

"ano bang hindi kapani-paniwala dun? Sa bagay ang pangit pa ni April noon nung maging sila ni Jury kaya dapat mas hindi kapani-paniwala noon kesa ngayon kaya nagtataka ako kung bakit ganyan na lang kayo makareact ng malaman nyo yun" er.....

"para kasing magkalayo ugali nila hindi ko maimagine na maging sila"

"oh eh bakit nga kayo nagsuntukan, tsaka anu yung sinasabi mong manliligaw?"

Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon