#Pinky Hodson
I am in the middle of picking up my dress for tonight, when my phone rings I pick it up and answer the call
"Pinky asan ka na?" tiningnan ko ulit ang screen ng phone ko at si Luigi pala ang natawag, akala ko si Mori.
"Andito pa ako sa bahay, nagbibihis. Bakit ba?"
"Andito na ako sa labas ng bahay nyo, bilisan mo na"
"Ang aga mo naman! Excited?"
"Dami pang satsat bilisan mo na." Nagmadali na akong magbihis at dumiretso sa baba. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Luigi bihis na bihis at kunot ang noo na nakatitig sa kanyang cellphone. Mukhang badtrip na naman si lover boy.
"Problema mo Luigi?", Tanong ko.
"si Marinella hindi sinasagot ang tawag ko nagtatampo na naman ata." Binulsa nya ang kanyang cellphone at sandaling tumitig saken.
"Nice Dress, Lets go." Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse at sumakay ako. Dumiretso kami sa TIME University.
Nang dumating kame madame ng tao sa ball. Una kong hinagilap si April kaso hindi ko sya makita, ang nakita ko ay sina Neya at Jury na magkasama dumating, bagay talaga sila kahit nung high school pa.Sunod na nakita ko ay ang punyemas na si Dave,ang babaerong Presidente ng Student Council. Kakabit ang babaeng tuko kaninang umaga. Syempre nagpalakpakan ang lahat ng pumasok sila, akala mo mga artista. Akala ko ba bawal ang mga Daring na damit bakit ganun ang suot nun. Wala palang isang salita itong si President.
"Pinky andyan na si Deina", agad akong tumingin sa tinitingnan ni Luigi, asan si April. Dapat kasunod na sya ni Deina maid sya nun eh. Hinila ako ni Luigi sa kabilang pintuan.
"Dito na tayo maupo para kita natin ang mga seniors"
"ha? Dapat sina April ang hanapin natin Luigi"
"mas interesado ako sa gagawin ni Dave ngayong gabi"
"anong ibig mo sabihin?"
"para kasing may mangyayari ngayon, kutob ko lang naman"
"what ever, kailangan ko makita si April, kinakabahan ako eh"
"dito ka na, ako na lang maghahanap sa kanya"
"mabuti pa nga mahirap maglakad ng nakatakong eh"
#Fatima Argelias Sandoval
"ano ba naman yan! Akala ko ba maiden ka na ngayon?" inis na tanong ko kay April pano ba naman kasi pagkalabas na pagkalabas sa kotse natapilok agad
"eh anung gagawin ko eh sa hindi ako sanay sa ganitong damit kasalanan ni Deina ito eh"
"buti hindi ka hinahanap ng Young Lady mo" nauna kasi yun lumabas ng kotse kaya di nakita katangahan ni April
"yun na nga buti na nga lang"
"umayos ka ng tayo ano ba naman yan parang hindi ka si April eh"
"tigilan mo ako Fatima wag ngayon"
"oh heto" sabay abot ni Paolo ng cooling patch kay April
"maiden ba talaga yang friend mo bakit tatanga tanga"
"hey watch you're mouth Paolo" sita ko sa asawa ko
"hindi ka pa nakakapasok sa ball natapilok ka na agad pano pa kaya kapag nagsayaw ka na?"
"eh di hindi ako makikipag-sayaw"
"bahala ka mainip ka sa upuan magkakalyo ka sana sa butt sa pag-upo"
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own