#April Renas
Bakit ba nauso pa ang Monday at lagi kong kaklase ang dalawang ito si Deina at Harvy? Pero okay na din kasi kaklase ko din si Boyet tsk! kasama ko din nga pala si Philip, nakakarumi silang panuorin siguro kasi bitter lang ako, o inggit? Nakakamiss magkalovelife, ah! Oo nga pala pwede na ulit ako lumandi kasi hindi na ako alalay ni Deina, natauhan ako ng sitahin ako ni Philip
"bakit?"
"tawag ka ni Sir" napalingon naman ako sa unahan
"Ms. Renas looks like you are not listening again, your becoming more hopeless, please go to the library this afternoon I'll meet you there for your extra classes, that's all for today, dismiss!" tumayo na si Sir at isa isa na naglabasan ang mga kaklase namin ako nganga!
"haha may extra classes ka mamaya, paano ba yan uunahan na kita umuwi mamaya"
"such a loser" pasaring ni Deina bago sya lumabas ng room
"papansin ka! Echusera!!" sigaw ko, nag-thumbs up pa si Boyet na lumabas na ng room
"ano? Magka-cut ka let?"
"hindi ah! I'm a responsible student na kaya!"
"kaya pala may extra class ka mamaya" bigla ko syang tinadyakan, at naapakan nya paa ko, pushit! Masakit!
"tsk! pikon talaga kahit kelan!"
"shut up! Tara na sa next class"
Buti na lang hindi ko na classmate yung mga yun sa second period, ah! Si Seth? Si Seth nga!
"ui!" sabay tapik ko sa balikat nya, nakahead set kasi sya kaya hindi nya ako narinig ng makita nya ako nauna pa nyang pansinin si Philip kesa sakin, nagtapunan lang naman sila ng masamang tingin, anu bang problema nila?
"dito ako sa tabi mo ha"
"sure!"
"hindi pwede dito sa kabila" sabay upo ni Philip sa gitna namin ni Seth tsk!
"anu ba gusto ko katabi si Seth may pagkwekwentuhan pa kami"
"hende! Andyan na si sir umupo ka na" tsk! umupo na nga ako at pumasok na si Sir sa room
"is Ms. Renas here?"
"yes sir?"
"pumunta ka mamaya sa faculty after class may pag uusapan tayo, it seems like you're really confident on your studies kaya nagpapabaya ka, magtutuos tayo mamaya, for now let's hear everyones report about their journals for last week" nagsi angalan ang lahat tsk! napapabayaan ko na ba agad pag aaral ko?
"isusumbong kita kay Kuya June"
"eh di sige sumbungan tayo, tingnan natin kung sino mas mapupuruhan" inismid lang ako ng kolokoy
#Seth Macapagal
Nakakabadtrip talaga tong si sikyo, okay na sana eh epal lang talaga, tsaka sya itong dumadaldal ngayon kay April, eh sakin sya gusto makipag usap, bwisit talaga
"oi Philip! Nambabakod ka ba ha? Baka nakakalimutan mo hindi ka nya boyfriend" bulong ko
"eh ano naman hindi din naman ikaw ang boyfriend, tsaka kayang kaya ko yung boyfriend nya!"
"huh? May boyfriend na si April?"
"tsk! napaghulihan ka na boy may shota na to"
"yun pala eh bakit dikit ka pa ng dikit sa kanya"
"malamang bodyguard nya ako eh"
"bodyguard mukha mo, nambabakod ka lang, epal to!"
"eh anu naman kung bakuran ko sya manliligaw ka ba?"
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Fiksi RemajaA story of two people who takes time to move on and find new love of their own