#April Renas
Dinala ko na sa kwarto ko si Jin, pinahiga sya sa kama saka kinuha ang first aid kit, pinunasan ko muna sya ng basang face towel, grabe naman ang ginawa nila sa kanya, bakit bag alit sila kay Jin? Eh kabait bait na nga nito ni Jin
"sorry" napalingon ako kay Jin
"bakit ka nagso-sorry wala ka namang kasalanan"
"ang totoo nyan hinarap ko talaga sila para kumpirmahin kung may gusto nga talaga sila sayo" ?????????????????loading................
"ahahahahahaha! Pinagsasa-sabi mo Jin, ni hindi ko nga kaclose yung mga yun, ah! Si Boyet ...........nga pala ay boyfriend ko" muntik ko na masabi na may ibang gusto si Boyet
"yung boyfriend mong iyon ang nakapag-painit talaga ng ulo ko, bakit ka nagboboyfriend ng ganun eh para namang walang pakialam sayo" er........hindi ko naman kasi boyfriend yun, pano ko ba sasagutin to?
"ma...hal ko....eh" napataltak si Jin
"ah! Jin, bakit mo nga pala sinabi sa kanila yung napag usapan sa dean's office, alam mo naman na pareho tayong hindi pumayag ah" naalala ko nung time na yun grabe nagulat ako sa sinabi ni Mama pero may konti din na masaya kasi hello kung si Jin din mapapangasawa ko eh di "oo" na agad sagot ko, but he refused early that exact time. ?
"sinusubukan ko si Dave" natigilan ako bigla
"kaya ba nakipagsuntukan ka din sa kanya kanina?"
"oo"
"Jin naman hindi na naman kailangan yun eh, tanggap ko na na may iba na sya"
"kaya pala parang maiiyak ka kapag nakikita mo yung dalawa na magkasama?"
"eh wala na naman tayong magagawa dun kung sila ang nagmamahalan di ba, tapos na kami yun lang yun"
"pero iba nararamdaman ko kay Dave eh"
"anung ibig mo sabihin" umayos sya ng upo
"bakit kaya andito sya ngayon sa tingin mo?"
"eh, wala akong clue, bakit?" nginitian nya lang ako
"si Philip na lang di ko nasusubukan"
"Jin" sumeryoso ako, si Philip? matagal na nyang nasubukan si Philip at bakit pa nya susubukan si Philip walang connection si Philip sakin isa lang syang utusan ni Kuya na nagli-lead sa preos gang
"Jin!! Bakit mo ba ginagawa to?"
"naghahanap ako ng paghahabilinan sayo April, ayoko na sa kung sino ka lang mapunta" speechless ako dun
"oi oi oi! Iiyakan mo na naman ba ako?" pinigilan ko luha ko, nakakainis ang sweet naman kasi ni Jin sinong di mahuhulog nito, kaso hindi nya ako gusto, ramdam ko naman eh sister figure ang tingin nya sakin
"oi! Ayusin mo nga yang mukha mo, baka isipin nila inaway kita, kakain lang ako dito ng hapunan tapos uuwi na ako"
"eh? Sigurado ka?"
"uhm! Maaga pa ako bukas may hahanapin ako eh"
"sino?"
"si Erin Bautista, April may mga nerd pa pala dito sa school nyo at ang ganda nya pinalitan mo nga lang sya sa ranking sigurado akong inis yun sayo, sana lang mabait sya hehehehe"
"Si Erin?"
"what? Kilala mo sya?"
"ex sya ni Dave" 0_0!?
# Philip Panganiban
"oi! Hindi ka pa ba uuwi?"
"di ba sabi ko dito ulit ako tutulog"
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Novela JuvenilA story of two people who takes time to move on and find new love of their own