#April
Ay potek! Napakabait na driver! Ako yung amo ako yung iniwan? Putragis talaga! Maglalakad talaga ako nito? Neh....magsasakay na lang ako, lumabas ako at nag aabang ng masasakyan nakita ko pang dumaan ang kotse ni Deina na dina-drive ni Boyet, hala may deal pa nga pala kami ni Boyet nalimutan ko na, napalingon ako sa parking lot, nakita ko si Dave kasama si Charmaine at Jr, sumakay sila ng kotse at dadaan dito sa harap ko, umiwas ako ng tingin, tumigil ang kotse sa harap ko at bumaba ang side window, si Jr pala nagdra-drive
"Young Lady April wanna take a ride? Hop in" wika ni Jr
"asan ang bodyguard mo?" tanong ni Dave
"hindi ka man lang inihatid ng boyfriend mo?" Tanong ni Charmaine, tsk!
"ehehehe, inaway ko kasi yung bodyguard ko tsaka may kailangan ihatid yung boyfriend ko"
"sakay ka na" yaya ni Jr
"ah hindi na mag-" bigla nya binuksan yung pinto sa passenger seat
"I insist" hay.....pumasok ako at umupo sa tabi ni Jr nagsimula na syang magdrive
"san ang bahay nyo?" tanong ni Jr
"sa Mahogany Village"
"medyo malayo ah, ihahatid ko muna itong dalawa bago ka ha"
"okay"
"kakilala mo pala si Seth?" muli nyang tanong, napalingon naman ako sa kanya
"uhm! Bakit?"
"mukhang close kayo ah may pag-akbay pa sya sayo kanina sa canteen, iba pa kayo makapagtitigan" eh?
"ah.........! Oo nga kanina, ehehehe"
"pano mo sya nakilala?"
"sa detention"
"huh! Mahilig nga mapatrouble yun si Seth, kung ako sayo lalayuan ko yun, mahilig yun sa gulo eh" napatitig ako kay Jr at pinagmasdan syang mabuti, bakit ang bait ata nya ngayon? Samantalang nung may laro si Apple ay halos pandirian nya ako kung makairap daig pa ang babae
"gwapo ba ako? Makatitig ka naman"
"oo, gwapo ka pero ayoko sayo" napatawa si Charmaine, muntik ko makalimutan na may kasama nga pala kami dito, nasagi ang tingin ko sa rear mirror, magkahawak kamay sina Dave at Charmaine, medyo masakit, tumigil ang sasakyan, bumaba sina Dave at Charmaine sa isang café tapos pinaandar na ulit ni Jr ang sasakyan
"magde-date yung dalawa monthsarry nila ngayon eh"
"ah....." tsk! sweet ata ang Dave ngayon, mukhang may natutunan syang kakirihan ah di man lang sya ganun sakin nung kami pa
"kayo kelan monthsarry nyo?"
"ha? Ah....." anu nga yung date nung opening ceremony?
"monthsarry nyo ni Dave dati ang tinatanong ko" eh? Napalingon ako sa kanya, alam nya na naging kami ni Dave?
"ewan hindi ko tanda"
"hahahaha totoo pala sinabi ni Dave" may sinabi si Dave?
"alin?"
"wala samin lang yun, ako kaya ang pinakapinagkakatiwalaan ni Dave sa mga sikreto nya, kaya wag ka mabibigla kung kahit yung pinagsamahan nyo ay alam ko"
"weh...talaga? Sige nga mag bigay ka sakin ng alam mo"
"sige pero sa isang kundisyon?"
"ano?"
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Fiksi RemajaA story of two people who takes time to move on and find new love of their own