#Dave
Kasama ko si Charmaine sa aking kwarto sa bahay namin ni mama katabi ko sya sa kama nakahiga kaming dalawa, nakayakap sya sakin at nakaunan sya sa braso ko
"grabe pala nakaraan ng dalawang yun no?"
"uhm!" may isa pang dapat malaman bukod dun
"alam mo Dave naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun na lang ang galit ni Deina kay April, tapos isipin mo naman yung guilt na nararamdaman ni April, napakabigat"
"alam mo ba itong nakaraan nilang ito Dave? Wala ka kasing kaimik imik kanina"
"hindi, ang alam ko lang talagang magkaaway na yung dalawa noon pa"
"Dave, may gusto ka pa ba kay April?"
"wala na, ang gusto ko lang maibalik yung dati na pagkakaibigan namin"
"paano yung sinabi nya na kukunin ka nya pabalik?"
"hindi yun mangyayari"
"anong plano mo?" sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko
"bahala na, matulog na tayo"
"okay goodnight"
"goodnight"
Kinabukasan araw ng Lunes sa TIME University, alas otso ng umaga sa kantina.
"eh kung bakit ba kasi nakahara ka sa daan? Kung hindi ka sana tanga eh di tumabi ka!"
"ako pa talaga ang tatabi? Akala mo kung sino kang Reyna dito ah"
"matagal na akong reyna panahon pa ng aking ina"
"graduate na nanay mo matagal na! panahon ko naman ngayon!"
"asa ka naman!"
"asumera ka kasi!"
"oi ano ba!? hindi ba kayo magpapaawat na dalawa! Detention!" sumasakit ang ulo ko sa dalawang Young Lady na ito, ano bang gagawin ko para mapag ayos ang dalawang ito, ngayon pa na alam ko na ang ugat ng lahat ng bangayan nila, mahirap to lutasin, yun ngang mga magulang nila walang nagawa, ako pa kaya? Pero yung away kasi nila parang away lang ng mga chismosa sa iskwater, so low class!
"Detention!? Patawa ka Dave sa tingin mo uubra sakin ang detention"
"excuse me Mr. Fontelion! Ayoko sa detention yang isang yan na lang ang dalhin mo tutal mas bagay naman yan dun"
"ang kapal talaga ng mukha mo!"
"EHEM! Boyet gusto mo?" sinadyang lakasan ni Philip ang boses nya, at tila nag uusap sa mata ang dalawang driver/bodyguard ng mga young Lady
"ow! Ice cream! Masarap nga yan pahingi ang init pa naman dito sa canteen"
"oo nga! Nilulumot na ata ang TIME di na pinapaandar ang aircon"
"hahaha hindi noh, may mga taong maiinit lang talaga ang ulo ngayon dito"
"kaya magpalamig na lang tayo, ano nga Boyet?"
"tama ka jan Philip!" kelan pa nagkasundo ang dalawang yan? Ngayon lang!
"hoy Philip! Di ba sinabi ko sayo na kung bibili ka ng ice cream dapat chocolate flavour?" lumapit si April kay Philip
"oi ikaw Boyet! Ibili mo ako ng strawberry flavour na ice cream ngayon na!" sigaw naman ni Deina
"hmmp! Para kayong batang dalawa" wika ni Philip, umupo sa tabi si Deina sa kabila naman si April napapagitnaan si Philip, yung totoo paano nagagawa ni Philip to? So anong scene ko dito? Walk out! Bahala sila sa buhay nila
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Fiksi RemajaA story of two people who takes time to move on and find new love of their own