Paul Saulo's POV
Without our past, we will not be who we are today.
Luke's POV
'Psh! Bakit ba kailangang may enrolment tuwing pasukan?'
"Nakakatamad pa namang gumising ng maaga para lang pumila dito." Wala sa sariling sabi ko.
"Maaga na ba sa'yo ang 9 A.M.?!"
Napatingin ako sa nagsalita.
Tama. 9 A.M. nga akong nagising.
' Andito na naman ang disaster ng buhay ko.'
"Disaster ka din ng buhay nya." Agad na sabat ng kasama nya.
'May lahing impakto yata ang dalawang ito at nababasa ng isa ang iniisip ko habang ang isa ay tagahatid ng kamalasan sa buhay ko.'
"Pakialam nyu ba? At ano ba ang ginagawa nyo dito''
"Nag-apply kami ng trabaho kasi nga enrollment ngayon." Sagot ng disaster ng buhay ko at narinig ko pang may ibinulong sya. 'What a stupid question!'
"Huh?!"
"One word is enough for a wise man." Agad na sagot nito.
"Baka hindi sya wise kaya gusto nyang ipaulit." Natatawang sabi ng sidekick ng disaster ng buhay ko.
Di ko na pinansin ang dalawang dwarf at nag-iwas ng tingin.
"Kung makapagsalita ang kapreng bangkay."
'Tsk! Maligno talaga.'
Magsasalita pa sana sila ng may tumawag sa kanila.
Nang pasigaw.
"Nandito lang pala kayong dalawa! Nagugutom ako! Ilibre nyo ako! Mahal nyo naman ako eih."
Dumagdag pa ang isang ito. Ang tagasira ng katahimikan ng buhay ko.
Napagawi ang tingin nya sa akin.
"Bakit ka andito? Ay! Buti Nandito ka." agad nyang ikinawit ang kamay nya sa braso ko. "Diba mahal mo ko? Ilibre mo ako sa canteen at nagugutom na ako pati yung baby natin."
Narinig kong nagbulong-bulongan ang mga tao sa paligid namin.
Inalis ko ang kamay nya sa braso ko. "Ang ingay mo. Nakakahiya sa mga tao."
"Bakit ka naman mahihiya? Di ka naman nakahubad? At kung nakahubad ka man ay di ka nila mapapansin dahil parang poste ka lang."
Nakita kong nagtawanan ang mga tao sa paligid at yung disaster ng buhay ko at ang sidekick nya, ayun parang katapusan na ng buhay nila kung makatawa.
"Maka-alis na nga dito."
Aalis na sana ako ng pinigilan ako ng maingay na babae.
"What?!" inis kong tanong.
"Kung hindi mo ako sasamahan sa canteen '' -sabay naglahad ng kamay. "Pera, pambili ng pagkain."
"What -''
"Bilis!!!"
Napangiwi ako.
Wala na akong nagawa kaya naglabas nalang ako ng pera.
Inabutan ko sya ng isangdaan.
"Di to kasya sa amin." Pagrereklamo niya.
"Bakit? Kasama pa ba ang dalawang yan?!"
"At pano ang anak mo?"
Ang tindi talaga ng kabaliwan ng babaeng ito.
"Alert!"
Asar!
"Wala na naman syang nagawa, maglalabas na yan." Sabi ng side kick.
"Under eh!" sabay tawa nang dalawang impakto.
Oo na! Tsk!
"At natuwa pa talaga kayo sa kalagayan ko noh?!."
"Naman!" duet pa talaga sila ah.
"Excuse me, are you going to enroll or what?" sabat nitong babae sa harap ko
Sh*t ! ako na pala. Kamalasan nga naman oh.
Ba't ba hinayaan ng tadhana na makilala ko ang tatlong to?
Naku nakalimutan ko lima pala silang tagahatid ng kamalasan sa buhay ko.
Christi's POV
Tahimik akong naglalakad ng nahagip ng paningin ko sina Rigel at yung pinsan ni Luke.
"Chris!" Tawag ni Rigel
"Bakit?"
"Saan nga ba ang canteen dito?"
"Ako ba'y pinagloloko mo? Isang taon ka na dito tapos di mo pa alam kung saan yung canteen?"
"Di pa kasi nagkakaroon ng anaconda ang bituka ko last year kaya di ako nagpupunta dun. Ngayon lang nung makilala ko ang mga to." Sabi nya sabay turo sa katabi nya.
Hinampas sya ng katabi nya.
"Grabe ka ha, kami pa talaga yung sinisi."
"Joke lang! Ito naman nanghampas kaagad. Alam mo bang mas matanda ako sa'yo ng isang taon?!"
"Oo nga pala MATANDA ka na!"
"Shaddap!"
Natawa na lang ako.
"Samahan mo na lang kaya kami, Chris?"
"Ayoko nga."
"Sasama ka o sasamahan mo kami?"
"Oo na lang ako." pagsang-ayon ko.
BINABASA MO ANG
His Deepest Downfall
РазноеLife is a myriad of things, too much to see, too little time. It's either you get something out of it or let it simply slip away. And I used to slip it away a lot. There are some things that we have ignored, and those things will never happen again...