Leigh's POV
Alam mo yung feeling na para lang akong nakikipag-usap sa hangin dahil ang hari ng kadiliman ay di namamansin?
"Luke Marcus, anong meron? "
"What?"
"Problem?"
"Tss."
See?
Suplado na naman sya.
Pero napansin kong namumula sya.
"Leigh,-"
"Kumain ka na naman ng manok kanina??!"
"Tss. Konti lang yun."
Aba't.
"Konti lang yun?? Bakit ba kasi ayaw mong alagaan yang sarili mo? May gamot ka na jan?"
"Wala. Nasa bahay. "
"Tara pumunta tayo doon. Bakit kasi ang tigas ng ulo mo."
Nginitian lang ako ng mukong.
Pagdating namin sa bahay nila ay agad ko naman syang pinainom ng gamot para sa allergy.
Nagpaalam naman sya na maliligo muna.
Habang ako naman ay naglalaro lang sa phone.
~beep~
Nag text si Zoe.
'Nasaan ka? Hinahanap ka ni Yash.'
Nagreply naman ako.
'Luke's home.'
'Abah! Inaagaw mo na ba yang asawa ko?'
Loko talaga tong si Zoe. Kung makaasta. Kala mo naman type nya talaga si Luke. Pero naalala ko sa sobra nyang kagaganyan muntik na syang ligawan ni Luke kaso nagpa-plano pa lang si Luke basted na sya kay Zoe. Playboy kasi.
Napangiti ako sa naalala.
"Bakit ka nakangiti? Baliw ka na ba?"
Nag-angat ako mg tingin.
Basa pa ang buhok nya.
May mga munting butil pa mg tubig na pumapatak mula sa buhok mya.
At nakatapis lang sya ng tuwalya.
Half naked.
Kitang-kita ang
mala-palito nyang katawan.
"Bakit nakaganyan ka lang? Pinagmamayabang mo yang walking x-ray mong katawan??"
"Nagsalita ang baboy!"
"Healthy lang ako."
"Oo. Healthy ka. Healthy pig."
"Bakit ba ko nakikipagtalo sayo? Magbihis ka na nga. Hindi ka kagwapohan."
Agad naman akong tinalikuran ng mokong at pumasok sa kwarto nya.
"Leigh!!!!!"
Si Zoe. Sumunod pala sya. Kasama nya si Yash at Rigel.
Missing na naman si San.
"Lucas!!!" tawag naman ulit ni Zoe at agad na pumasok sa kwarto ni Luke.
Pagbukas nya mg pinto ay saglit syang natulala pero agad ding isinar ang pinto.
Namumula ang mukha nyang bumalik sa amin.
"Bakit para kang nakakita mg multo??" tanong ni Yash.
"Nakakatakot at nakakahiya. Nakita ko si Luke na naka-brief lang."
"Tapos anong nakita mo?" tanong ulit ni Yash.
"Wala. Ewan. Parang wala."
Biglang natawa si Rigel ng malakas.
"Parang sinabi mo na rin ma walang ano dun. Bad ka."
"Grabe ka Rigel. Wala naman akong balak na makita yun.
Napailing-iling na lang ako sa kanila.
Ilang saglit pa nakita ko na si Luke na lumabas ng kwarto.
Nakabihis na sya.
Bigla syang lumapit sa'kin.
"Thanks Leigh."
Luhhh..
At ngumiti pa ang mokong
Anong nangyari?
Minsan lang kasi maging mabait sa akin itong si Luke.
Basta hindi sya gwapo.

BINABASA MO ANG
His Deepest Downfall
RandomLife is a myriad of things, too much to see, too little time. It's either you get something out of it or let it simply slip away. And I used to slip it away a lot. There are some things that we have ignored, and those things will never happen again...