Chapter 2 - Canteen

20 2 1
                                    



Christi's POV

Di ko alam kung ilang taong di nagkita ang dalawang ito at ganito na lang sila kung mag-usap.

"Tapatin nyu nga akong dalawa, ilang taon kayong di nagkita?"

"Ahh, eih, one days?" sagot ni Rigel.

"Days?"

"Paki mo, trip ko eih."

"Grabe ah, isang araw lang kayo nagkita tapos akala mo parang ilang taon kayo di nagkita kung magkwentuhan."

"Ganun talaga yun." Sabi naman nito at tumawa.

Dinala na kami ng mga paa namin sa canteen .

"Andito pala sila ni Yash!." Narinig kong sabi ni Rigel.

"Saan?" tanong ng kasama nito.

"Plastic ang mata? Ayun oh." sagot nito sabay turo sa mga nilalang na tinutukoy.

Tumingin kami sa direksyong itinuro niya.

"Yash! Zoe!" tawag ng kasama namin sa dalawa.

"Xandy!!!!!!!!!" sagot nang huli.

At ayun nagyakapan sila na parang di nagkita ng isang dekada.

Kung di nyu naitatanong. Ang tatlong kasama namin ni Rigel ay ang XYZ.

Halata naman.

Nagkakilalan ang mga ito nung camping nila.

"Hey! Nasaan ang delubyo?" tanong ni Rigel sa mga ito.

"Sinamahan si Lucas na magpa-enrol baka daw kasi sa sobrang talino nito ay magkamali-mali ng spelling katulad na lang nung text nya." Sagot ni Yash.

Tumawa naman si Rigel dahil gets nya yung tinuran ni Yash habang kaming tatlo ay loading ang peg.

"Paki explain nyu nga ang pinag-uusapan nyo?" si maingay na Zoe.

"Wag na." sabi ni Yash.

"Di ko talaga ma-gets kung saang banda naging magpinsan kayo ni Paul. Ang tahimik na nilalang nun eih."

Si Paul.

Naalala ko na naman sya.

Bakit ba kasi binanggit-banggit pa nitong Rigel ang pangalan nya.

Kainis!!!!!!!!!!!!!

At pinsan pa sya nitong si Zoe.

Bakit ba laging may nagpapaalala sa akin sa lalaking yun.

"Bakit di na maipinta yang mukha mo, Chris?"

"Wala!" pairap kong sagot.

"Dapat isigaw?"

"So?"

Di nakaligtas sa akin ang naniningkit na tingin ni Yash sa akin.

'Problema nito?'

"Alis na ako." Paalam ko sa kanila

"Buti pa nga." Bulong ni Yash pero di ko naintindihan kung ano yun.

Bago ako umalis ay nakita ko pang siniko ni Rigel si Yash.



Luke's POV

Nakapila na naman ako, para magpakuha ng picture sa I.D. and I'm with the disaster of my life.

Di ko maintindihan kung bakit nagpaiwan pa ang babaeng ito dito.

At sinamahan pa talaga ako.

"Bakit ba gusto mo pa akong samahan dito?"

"Sinabi ko bang gusto kitang kasama dito? Kapal din ng mukha mo kahit payatot ka noh? Di pa kaya ako nagpapa-picture para sa I.D. Ikaw lang ba may karapatang magpakuha ng picture?"

"Akala ko ba one word is enough for a wise man? Bakit andami mo pang sinasabi eih, isang tanong lang naman tinanong ko?!"

"Bakit? Wise ka ba?"

'Tsk! Kahit kalian talaga ay napakatalas ng dila ng babaeng to.'

"Tss!" Di ko na nga pinansin at baka madagdagan pa ang kamalasan ng buhay ko.

Nagmasid-masid ako sa palagid baka may magandang bagay na parating sa akin at may nahuli naman ang paningin ko

'May mapaglalaruan na naman ako.'

Umalis muna ako sa pila at lumapit doon.

"Hi!" bati ko.

Nag-angat ng tingin yung babaeng kinausap ko at ngumiti sa akin.

"Hello." Malanding sagot nito.

"I'm Luke. What's your name?"

Sasagot pa sana yung kausap ko ng umeksena ang disaster.

"Lucas!" tawag nito.

"Akala ko ba Luke ang name mo." Sabi ng babae.

"Luke naman talaga eih. Ewan ko lang sa babaeng yan at yun ang tawag sa akin. Wag na natin syang pansinin."

"Sabi mo-"

"Lucas! May tawag ka." Sabi ng disaster sabay abot ng phone.

Tatabigin ko sana ang kamay nya ng may nagsaita sa kabilang linya.

"Hoy! Lucas Marcus! Hindi porke't wala ako jan ay mambababae ka na?"

'Asdfghjkl! Naka-loudspeaker pa talaga.

"Kung manglalandi ka naman siguraduhin mo namang mas lamang sa akin ang ganda pero alam ko namang walang lalamang sa akin pero kahit pumantay man lang. Jeez!"

Natahimik naman yung babaeng kausap ko at mabilis na umalis.

Panira talaga sila ng buhay.

Ugh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!





His Deepest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon