Luke's POV
Unang araw ng klase at ito na naman ako.
At heto na naman ako.
Stranded kasama ang ABCD
Walang "E" kasi wala ang dalawa.
Mabuti nga
"Nasaan na ba sina Zoe?" tanong ni Xan Dy.
"Parating na." sagot ni Leigh.
Naku! At parating na pala.
Nakita ko si Rigel na papalapit sa amin at magkasalubong ang kilay.
"Anyare?" usisa ni Leigh.
"Yung classmate ko kasi. Bwiset!" agad na sagot nito.
"Why?" tanong naman ni Yash.
"Ang yabang kasi. Ipinagyayabang nya na sa Japan sya nagtapos ng highschool. Samantalang tatlong buwan lang naman sya dun. Kakairita."
"Saan ba sya nag-aral?" tanong ko.
"Sa Japan nga diba?" pangbabara sa akin ni Leigh.
"Common sense, Leigh." Ganti ko sa kanya.
"Sasagot pa ba ako?" Rigel.
"Oo." Yash
"Well, sa Naka High sya nagtapos."
"Huh?"
"Ano?"
"Pardon?"
"What?"
Yun ang mga reaksyon namin sa sinabi nya.
"Naka High School name ng school nila."
"Seryoso?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Oo." Sabay naming sagot.
"Ano bang mali sa Naka High?????????????"
"Marami!" si Yash
"Mas weird kaya name ng University natin."
"Alam na naming yan. Element Ary University pero mas weird pa ring pakinggan yang Naka High noh!" mahabang paliwanag ni Xan Dy.
"Sisihin ang author." Sabi ko na lang.
Pagkasabi ko nun ay binato ako ni Rigel ng hawak nyang notebook.
Pasalamat talaga ako at hindi pa nila ako pinapatay.
Christi's POV
Nag-iisa lang ako dito sa isang sulok ng library.
Hindi naman ako nagbabasa.
Tinitingnan ko lang ang litrato naming ni Paul.
Di ko pa rin makalimutan ang mga sandaling napakasaya naming ngunit pinili nyang wakasan yun.
I loved greater because of you, now I hate greater too.
Bakit kasi?
Bakit?'
Ilang beses na akong nagtanong pero wala akong makuhang sagot.
Ilang beses na akong umiyak pero di nya narinig.
Hanggang kalian ako masasaktan bago sya bumalik?
Sa kabila ng galit na nararamdaman ko sa kanya ay nangingibabaw ang matinding pagmamahal ko sa kanya.
Sa bawat patak ng mga luha ko ay mahal ko pa rin sya.
Napayuko na lamang ako at hinayaang bumuhos ang mga butil ng luha na kanina pa gustong lumabas,
"Hindi ginawa ang library para pagtaguan at iyakan."
Di ko alam kung sino iyon dahil marahil sa sobrang sakit ng ulo ko dahil na rin sa kakaiyak.
Hindi ko na pinag-aksayahang tingnan kung sino man iyon.
Naramdaman ko na lang na may inilagay sya sa kamay ko.
Matagal bago ako nag-angat ng paningin.
At ang una kong tiningnan ay ang kinatatayuan ng lalaking nagsalita kanina ngunit wala na ito roon.
Tiningnan ko ang inilagay nya sa kamay ko.
Panyo pala.
Para namang tumalon ang puso ko ng makita ang mga letrang nka-ukit doon.
P.S.R
Ayoko kong umasa.
Pero sana nagbalik na sya.
BINABASA MO ANG
His Deepest Downfall
RandomLife is a myriad of things, too much to see, too little time. It's either you get something out of it or let it simply slip away. And I used to slip it away a lot. There are some things that we have ignored, and those things will never happen again...