Chapter 6 - Waiting

27 2 3
                                    


Christi's POV

Isang araw, isang lingo at ngayon limang buwan na ang nakalipas magmula ng umiyak ako sa library.

Ang nagbigay sa akin ng panyo na may initials na P.S.R.

Lagi ko pa ring iniisip.

Umaasa ako na sya yun.

Pero, galit ako kay Paul.

Dahil sa kanya ay matinding sakit ang nararamdaman ko.

Dahil sa kanya ay di ko makita ang ganda ng mundo.

Dahil sa kanya ay kulang ako.

Pero hinihintay ko pa rin siya.

Umaasa ako na babalikan nya ako.

Umaasa ako na sya ang lalaking nagmamay-ari ng panyo.

Umaasa ako.

Kasi mahal ko sya.

At di ko alam kung hanggang kalian ko sya mamahalin.

Napatingala ako sa kisame.

'Ganito ba kasakit ang naramdaman ni Luke nung mas piliin ko si Paul kaysa sa kanya?

Ganito din ba ang nararanasan nya ng matuto sya ulit na magmahal pero iniwan lang sya?'

Kumuha ako ng isang papel at nagsulat doon.

'Paano ka magiging masaya kung di mo makuha ang bagay na gusto mong makuha sa buhay mo?.'

Ginupit ko ang bahaging may sulat at nilagyan iyon ng tape sa likod.

Idinikit ko iyon sa ilalim ng mesa.

Di naman ako umaasa na may makakakita nun pero di ko alam kung bakit ko gnawa iyon.

Kinabukasan ay bumalik ako sa library at doon ulit sa pwesto ko kung saan ay may iniwan akong mensahe doon muli ako bumalik.

Kinapa ko ang note sa ilalim ng mesa at laking gulat ko ng may makitang sagot na roon.

'If you can't get what you love you have to love what you got'

Sabi nito sa sulat

Sino ito?

May isang bahagi ng puso ko na natuwa kasi may nagkapanahon na basahin at mag-reply sa message ko.

Ngunit may bahagyang nalungkot ako sa mensahe nya kaya kumuha ako ng panibagong papel at nagsulat.

'But if you can't get what you love, it will be very difficult to love what you got.'

Kung sino man sya.

Ay di ko alam.

Basta ang alam ko lang ay may taong nagka-oras para pakinggan ang nasa puso at utak ko.

Mga malulungkot na salita na nakatago sa pagkatao ko na pilit kong tinatakpan ng masaya o kaya'y mataray na aura.

Ganoon ako.

Naging ganoon ako

Nang umalis si Sarah.

Nang nagbago si Luke.

Nang di na kami nag-uusap ng madalas nina Lynna at Josh.

At higit sa lahat.

Nagbago ako dahil mas piniling saktan ni Paul ang puso ko nang magpasya syang iwanan ako.

Pero ang dating Chris ay handa kong ibalik kung babalikan nya lang ako.

Kaya hinihintay ko sya.

Kahit galit ako sa kanya ay hinihintay ko pa rin sya.





His Deepest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon