Chapter 3 - Meet the ABCDE

22 2 3
                                    



Rigel's POV

Kanina pa di maipinta ang pagmumukha ni Luke habang kami naman ay malapit ng dalhin sa mental sa kakatawa dahil sa nabulilyasong pangbababae nya.

"Kailan lang ba ako naging napakalaking joke sa inyo at ganyan na lang kayo kung makatawa?"

"Simula ng makilala mo kami?'' ako yan.

"Tsk!"

"Pikon ka eih!" si Zoe iyon.

"Masyado mo naman kasing siniseryoso ang joke." Si Xan Dy iyon

"Pinsan ba talaga kita? Bakit di mo ako kinakampihan?"

"Asa ka pa"

Binigyan ng matalim na tingin ni Luke ang nagsabi nun.

"Disaster ka talaga ng buhay ko, Leigh!" sabi nya.

"Kung makapag-away kayo, akala mo parang mag-asawa." Naibulalas ko.

"Ewwness!" sabi lang ni Leigh.

"Naku! Babaliktad muna ang universe bago mangyari yung sinasabi mo." Sabi naman ni Luke.

Sumabat naman itong si Zoe. "Excuse me lang ah! Ako yata ang asawa ni Lucas kaya. Shupi ka na Leigh!."

"Possessive ah!" sabay na sabi nila Yash at Xan Dy.

"Bakit ba ko nasali sa ABCDE?" naibulalas ni Luke.

Tama.

ABCDE(AbSiDee) ang tawag xamin.

Kung paano nangyari yun ay ganito.

A from Ashleigh-Raz, B from Yash Bell, C from Luke Marcus, D from Xan Dy and E from Zoe and Rigel.

Cool diba? Hahaha

At isa sa kaligayahan namin ay ang pagtripan ang isa't-isa lalo na yata si Lucas.

"May schedule na ba kayo ng mga classes nyu?" tanong ko sa kanila.

"Yup." Sagot ni Xan Dy

"Patingin naman ako." Sabi ko sa kanila.

"Bakit?" tanong ni Yash.

"Titingnan ko lang kung may pareho tayong subjects at kung anong schedule.." sagot ko.

"Nami-miss mo kami agad noh? Kaya gusto mo kaming maging classmate."

"Asaness! Gusto ko nga makita schedule nyo ng makaiwas ako eih." Sabi ko at humagalpak ng tawa.

"Grabe ka sa amin ah!" si Leigh iyon.

"Nasa ospital ang grabe, Al."

"Kamao ko? Gusto mo?"

"Salamat na lang! Masaya na ako sa kamao na meron ako."

Napailing na lamang si Leigh. "Saglit nga. Maghuhugas lang ako ng kamay sa may gripo." Paalam nito sa amin na nagtungo sa may gripong nasa di kalayuan.

Nakita kong magbabanlaw na sana sya ng kamay ng biglang nawalan ng tubig.

Kung minamalas nga naman sya.

"Gangs, may tubig ba kayo jan? Pahingi naman."

"Wala kaming tubig. "sagot ko. "Meron lang ako, kaso nilagyan ko ng kalamansi kanina."

Nag-isip ito saglit. "Pwede na siguro yan. Kamay lang naman eih."

Iniabot ko kay Luke yung kalamansi juice at sya na ang nagdala nito kay Ashleigh-Raz.

"Pakibuhusan na lang ako, Luke." Sabi nito kay Lucas.

Di ko alam kung imagination ko lang ba o sadyang nakikita kong may sungay at buntot si Luke at kung makangiti ay akala mo demonyo ng kailaliman ng lupa.

"Sure!" sagot ni Luke at ngumiti ng mala-demonyo.

Ibinuhos na nga ni Luke ang kalamansi kay Ashleigh-Raz.

"LUCAS!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ng huli.

Paano ba naman kasi, sa mukha niya ibinuhos ni Luke ang kalamansi juice.

Nagtawanan naman kaming apat lalo na nang habulin ni Leigh ng walistambo si Luke.





His Deepest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon