Chapter 12 - The Saddest Place

18 1 1
                                    

(Play the video for background music drama hihi)

LUKE'S POV

Nandito ulit si Chris sa library. Tulad ng dati ay abala pa rin sya. May kung anong sinusulat sya sa papel.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga butil ng luha na kumawala sa mga mata nya at kaagad naman nyang pinahid gamit ang panyo.

It's so painful watching her crying from this corner.

'Can I ease your pain away by saying I love you?'

Malamang hindi.

Mapait akong napangiti sa naging sagot ko sa sariling katanungan.

Alam ko naman na hindi na ako.

But I found myself walking to her direction.

Tanga na naman ako.

Hulog na naman pero tanga pa rin.

"Chris? Okay ka lang ba?"

Pinahid nya ang luha at tinupi ang sinusulat nya at inilagay ito sa mesa.

"I'm fine Luke." namumula pa ang ilong nito mula sa tahimik na pag-iyak

"You're crying, Chris. What happened?"

Tikom ang bibig na umiling sya.

Napabuntong hininga na lamang ako pagkunwa'y hinila ko ang katabi nyang upuan at naupo roon.

"I know you're not okay, Chris. You're hurting and for me it's a painful view. Wala man lang akong magawa para maibsan yang sakit na nararamdaman mo."

Umiling ulit sya bago sumagot.

"You have your own struggles,Luke. Ayaw ko namang dumagdag pa."

"Pwede mo naman kasi akong sandalan, Chris. Andami na nating pinagdaan tapos ayaw mo pang damayan kita?"

"I don't know what to do, Luke. Hindi ko alam kong maghihintay pa ako o susuko na lang pero umaasa ako eih."

Heto na naman ang mga patalim na sumasaksak sa puso ko.

"Mahal ko kasi talaga siya. Ang daya nya naman kasi, Luke. Sabi nya hahanapin nya lang ang sarili nya pero nang nahanap nya na ito hindi na ako kasama."

Bawat salita na lumalabas sa kanya na tungkol sa pagmamahal nya kay Paul ay mga punyal na itinatarak sa puso ko. Masakit sa tenga at sa damdamin.

"Hindi ko alam kung may pagkukulang ba ako, kulang ba ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya o meron na bang iba."

Niyakap ko sya.

Oo, tanga talaga ako.

I'm just her temporary.

"Hindi ko alam. Kasi hindi matanggap ng puso ko ang mga dahilang iniwan nya."

Yung feeling na nagkukwento sya tungkol sa pag-ibig nya para sa iba.

Yung nasasaktan sya dahil nagmahal sya pero ang hindi nya alam mas nasasaktan ka kasi nasasaktan ang taong mahal mo na may mahal ng iba.

"Luke, bakit nya ako iniwan? Hindi ba ako karapat-dapat mahalin?"

Tiningnan ko sya sa mata.

"Sinong nagsabi sayo na hindi ka karapat-dapat mahalin? You are perfect, Chris. Tanga lang ang hindi ka pahahalagahan."

"So tanga ang pinsan mo?"

"Oo!" mabilis kong sagot.

"Pero mas tanga ako. Kasi naghihintay ako sa isa ring tanga kaya mas tanga ako."

"Ako naman ang pinakatanga." mahinang bulong ko.

Nilingon nya ako.

"May sinabi ka Luke?"

Kapag umamin ako ulit malamang mas maguguluhan sya.

Hihintayin ko syang makalimot kay Paul.

Ang swerte ni Paul kasi ang babaeng mahal na mahal ko ay sya ang minamahal.

Saklap.

"Wala naman Chris."

Bahagya syang ngumiti.

"Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko kasi kasabay ng pag-alis ni Paul nawala na rin ang mga kaibigan ko."

"Huh?"

"Luke, alam kong nasasaktan ka pa rin dahil kay Sarah. At thankful ako kasi naka move-on ka na sa akin."

"Akala ko wala na kaming lugar dyan sa puso mo."

"Palagi kang may lugar sa puso ko,Luke. And I love you for that."

Sinalubong ko ang mga tingin nya.

"Talaga?"

"Oo, hindi mapapalitan ng ibang tao ang pwesto mo sa puso ko bilang matalik kong kaibigan. Kayong dalawa ni Sarah. "

Right.

Kaibigan.

I have place in her heart as a friend.

Kaibigan lang talaga ang lugar ko sa buhay ng taong mahal ko.

To be just a friend with someone you love is the saddest place for a person can be.

Friend zone.

His Deepest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon