Chapter 27 - Letting Go

16 1 0
                                    

Play the video sa multimedia para sa effect chuchu 😂

Luke's POV

"Naghihintay pa rin naman ako."

"Luke! Huwag tanga kasi. Naghihintayan lang kayo, hindi ba kayo napapagod?! Bakit ba kasi kayo naghihintay kahit alam nyo namang walang babalik?"

"Mahal ko kasi."

"Ang tanong Luke, does she love you the way you love her?" si Leigh

Quotang-qouta na talaga ako sa mga pang real talk na to.

"Stop waiting Luke." si Sarah iyon. "Just like you I did wait too and kinda still waiting." huminga muna sya ng  malalim. "Pero nakakapagod lang kasi. Ako naghihintay sa bus station. Ikaw naghihintay sa pier pero sya sa Airport nag-aabang kaya walang darating dahil baka-"

"Naghihintay kayo sa maling tao." tuloy ni Rigel.

Nakita ko pang nagpahid sya ng luha.

"Nasasaktan din naman ako na nasasaktan ka. Please naman! Pick up yourself."

Napayuko ako sa sinabi nya.

Ito na ba? Game over na? As in wala nang pag-asa. Pero di ba nga no pain, no gain pero sa akin puro pain na lang.








Christi's POV

Naglalakad lang kami ni Paul dito sa dalampasigan. Nakalipas na siguro ang ilang minuto pero wala pa ring nagsasalita sa amin.

Di ko naman kasi alam kung ano sasabihin ko. Baka kasi pag sinabi ko yung nararamdaman ko waterfalls na naman ang mata ko.

"Chris?" tawag nya.

Tumingin lang ako at hinihintay ko ang susunod nyang sasabihin.

"Sorry kasi bigla akong nakipagbreak sayo." sabi nito.

Ayan na naman. Nag-uunahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko.

Naramdaman kong hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. Tapos pinahid nya ang luha ko gamit ang thumb nya.

"Ssshhhh don't cry."

"Pinapaiyak mo ako eih." sabi ko na sumisinghot singhot pa.

"Chris, I need you to listen to me. The reason I broke up with you is to avoid complications."

Napatingin ako sa kanya.

"Ang totoo nyan Chris, ayaw kong matali ka sa akin sa isa long distance relationship."

Nagtataka ako.

Anong long distance?

"Huh?!"

Napaupo ito sa buhangin at sumenyas na maupo rin ako sa tabi nya.

"Remember nung sumali ako sa camp?"

Tumango lang ako.

"May nag-offer sa amin na sumali sa missionary. Kaya ako nawala ng isang taon kasi nagpunta kaming Guam."

"Naging missionary ka?"

Tumango ito.

Napaluha na naman ako.

"Bakit di mo sinabi? Maiintindihan ko naman eih."

Niyakap nya ako.

"I'm sorry Chris. I'm sorry for leaving you just like that."

Kumawala ako sa yakap nya.

"Binalikan mo ko?"

Tumango ito.

"Aalis ka ba ulit?" tiningnan ko sya sa mata at nakita ko ang lungkot mula dito.

Tumango ito.

"Hihintayin kita Paul."

Umiling ito.

"Please don't. Nung nasa mission ako, ang dami kong na realized-"

"Narealize mo din ba na hindi mo na ako mahal kaya ayaw mo na akong hintayin kita?" umiiyak na putol ko sa mga sasabihin nya.

Napahilamos sya. "No! Hindi ganun." hinawakan nya ang mga kamay ko.

Gosh! This feeling parang sasabog ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

"I still love you."

It's like my world stop by him just by saying those words.

"I love you, Chris but-"

Dejavu

"I love HIM more."

Him?

"What do you mean?"

"Gusto kong mag PARI, Chris. Will you let me go and be His priest?"

I can't find the words to say.

All this time.

Naghihinakit ako sa taong pinili mong tawagin.

Pero bakit naman kasi.

Naging mabait naman ako.

Pero bakit?

Napahagulhol ako. I can't stop my tears.

Hindi ko magawang magalit sa kay Paul.

Anong laban ko?

Lalabanan ko pa ba?

Ikaw na yan Lord eih.

You pick him.

You called him.

You choose him.

He's not perfect, he used to hate you but you change him.

"Pwede ba kitang yakapin?" tanong kay Paul.

Tumango lamang ito.

Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya at doon mas lalong napaiyak.

He keeps tapping my shoulder telling me its alright.

At nang tumigil ako sa kakaiyak ay hinarap ko sya.

Tiningnan ko ang mukha nya.

His eyes, lips, his nose.

Namiss ko sya ng sobra.

But I have to do what is right.

Kahit masakit.

Sobrang sakit.

I look at him straight in the eye.


"Paul, I'm letting you go."






Because sometimes letting go of someone is kinder than holding someone back.

His Deepest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon