Luke's POV
Mahigit isang buwan na akong nagtitiis sa kamalasang hatid ng ABCDE sa akin.
At naka-survive ako. Mabuti na lang at di pa nila ako kinakatay ng buhay.
Pero sa totoo lang, kahit ganun ang mga yun ay mahalaga sila para sa akin.
Ang ABCDE.
Kahit pa nga kami lang ni Yash ang lalaki sa grupo.
Minsan ka lang makakatagpo ng mga kaibigang ganun.
Corny ko diba?
Nasira ang pagmumuni-muni ko ng may tumawag sa pangalan ko.
"Luke?"
Nandito na pala ang bago kong laruan.
Isang lingo ko na syang pinaglalaruan at mabuti na lang at walang ABCDE ang nambubulilyaso sa plano ko dito.
"Hey! " bati ko sa kanya. Darn! Nalimutan ko ang name nya.
Pero sino ba sya para alalahanin ang pangalan nya.
"Kanina ka pa ba?" tanong nito.
"Hindi naman gaano."
'Pero kalahating oras kaya akong naghintay.
Kung di lang ako bored di kita pagtya-tyagaan.
"Sorry ah, di ko kasi alam kung ano ang isusuot ko eih. Gusto kong maging perfect sa paningin mo."
'Talaga lang ha? Nag-ayos ka na sa lagay na yan?'
Sabi ko sa isip ko ng makita kong tadtad ng kolerete ang mukha nya.
Akala mo naman bagay sa kanya.
"Okay lang yun. You look wonderful." Sabi ko sabay ngiti.
Kinilig naman ang bruha.
"What is it in you that attracts me like steel to magnet?''
Ang gwapo ko talaga.
At ang landi nya.
"Whatever it is, princess, I don't know.''
"Ang sarap pakinggan."
"Yung alin? Princess??"
"Pwedeng mag-request?"
"Ow sure."
"Tinawag mo akong princess eih, pwede isama ang name ko."
"Wag na, mas bagay sayo ang princess lang."
Niyakap nya ako at naglambing sa akin.
"Sige na, please???"
"Uhmmm."
Paano ba to? Nakalimutan ko ang pangalan ng bruhang ito.
"Please Luke? Gusto kong marinig na tinatawag mo akong princess Sarah."
Sa narinig kong pangalan ay mabilis ko syang naitulak.
Muntik pa syang matumba sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya.
"What's wrong?" tanong nito.
'Ikaw!' gusto ko sanang isagot sa kanya.
"May importante pala akong lakad ngayon." Sabi ko.
"Sabi mo, free ka ngayon? At ano ba yang pupuntahan mo, pwede mo naman akong isama dun kasi date mo naman ako."
Bakit ba kung kalian ko kailangan ang ABCDE ay di sila mahagilap
BINABASA MO ANG
His Deepest Downfall
RandomLife is a myriad of things, too much to see, too little time. It's either you get something out of it or let it simply slip away. And I used to slip it away a lot. There are some things that we have ignored, and those things will never happen again...