Chapter 13 - Falling Deeper

15 1 3
                                    

This chapter is dedicated to AntiHappy0... Thanks for reading this ha.. Keep supporting Luke 😁

Please play the video for drama effect...

LUKE'S POV

I watched her as she cry silently beside me.

Her tears, it's breaking me.

Habang mas nasasaktan sya mas lalong gusto ko syang maging sa akin.

Kasi hindi ko sya hahayaang masaktan.

I can love her more than Paul can do.

Pero kahit na kaya ko pa syang mahalin ng higit pa, hindi naman ang pagmamahal ko ang gusto nya.

Hindi ako ang makakapagpasaya sa kanya.

Hindi ako ang kailangan nya.

Kasi hindi naman ako ang mahal nya.

Hinaplos ko ang buhok nya habang umiiyak sya.

Ilang minuto pa ramdam kong tumahimik na ang kaninang paghikbi nya.

Nakatulog sya dahil sa kakaiyak.

Hinaplos ko ang pisngi nya.

"I don't know but I can't stop myself from falling more deeply inlove with you."

LEIGH'S POV

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahaplos niya ang buhok ni Chris.

Nasasaktan na sya pero nagmamahal pa rin.

Katangahan ba tawag doon?

"Luke?" tawag ko sa kanya

Lumingon sya sa akin at ewan ko ba. Ayoko talaga ng datingan nya ngayon. Mas sanay ako evil side ni Lucas.

Itong Lucas ngayon parang sinapian at ayoko ng epekto nya sa akin.

"Leigh." ngumiti sya sa akin.

'Hindi sya gwapo.'

Maya-maya ay tumingin sa natutulog na si Chris.

Biglang parang may humaplos na kung ano sa healthy kong puso.

"Nasabi mo ba?"

"Ano sasabihin ko?" tanong nya.

"Iyang nararamdaman mo."

Hindi sya nagsalita.

"Itatago mo na lang ba? "

"Should I fight for her? Dapat ko na lang sigurong tigilan to."

Matindi pala magmahal ang isang Luke Marcus Romanji.

Ano ba ang feeling na mahalin gaya ng pagmamahal ng lalaking ito?

"I'm giving up on her ,Leigh without telling her how I feel. Why fight in the first place when I know I'm already lost from the beginning? Pero parang mali din kasi na susuko na lang ako basta-basta. Hindi ko na alam."

'Siguro kong makikita ko syang masaya ay mawawala na ang kakaibang pakiramdam na meron ako para sa kanya.'

"You know what's giving up? You only do that once you really did your best. Pero sa kaso mo ay di mo pa naman sya pinaghihirapan. Even before naman diba? You didn't fight for it that's why Chris fall in love with Paul." Mahaba kong sagot sa kanya.

"Natakot kasi ako na baka mawala yung friendship na meron kami. Nasabi ko na naman sa kanya dati."

'Epekto lang to ng kadiliman kaya may kakaibang feelings ako basta hindi ako naga-gwapohan sa kanya."

His Deepest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon