Life is a myriad of things, too much to see, too little time.
It's either you get something out of it or let it simply slip away.
And I used to slip it away a lot.
There are some things that we have ignored, and those things will never happen again...
Nakita kong seryosong nakatingin ang hari ng kadiliman sa kalangitan. Ano naman kayang meron sa langit at ganoon sya makatingin? Baka nga totoong fallen angel sya at nami-miss nya na ang langit. Ang weird ko talaga mag-isip.
"Luke!" tinawag ko sya pero di nya ako narinig.
Lumapit pa ako ako sa kanya at kinalabit sya.
"Uy!"
Tiningnan nya lang ako.
Hala nakakapanibago. Sinapian ba sya?
"Luke? okay ka lang ba?"
Bumuntong hininga naman ito bago nagsalita
"I'm not okay Leigh."
"Bakit? Hinahabol ka na naman ba ng nga babae mo?" natatawang sabi ko
Mapait na ngumiti ito. " Sila habol ng habol sa akin pero heto ako, naghahabol pa rin sa kanya."
Serious mode nga talaga ang hari ng kadiliman.
"Is it about Sarah again?"
Binalik nito tingin sa labas.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ano kaya ang nangyari? Bakit sinapian ang hari ng kadiliman? Pero ang lungkot-lungkot ng mukha nya.
"Luke!"
"Leigh, all this time I'm lying to myself. I thought si Sarah na may hawak ng puso ko pero hindi pala. Hindi nya pa pala nakukuha ito ng buong-buo"
Nakinig lang ako sa mga kwento nya. (You can play the music para may background music ang pagda-drama nya😂)
"It's Chris."
"Siya pa rin talaga?"
"Yeah!" tumawa pa ito. "Bakit kaya nung ako pa ang mahal nya hindi ko sya pinili? "
"Nagsisisi ka ba?"
Tumawa ito ng malakas. "Kulang ang salitang pagsisisi, Leigh. Ang dami kong what if sa buhay. Ang gusto ko lang naman ang maging masaya."
Umupo ako sa tabi nya. "Hindi mo ba minahal si Sarah? Alam mo naman na mahal na mahal ka nun."
"It's easy to let someone show their love to you but it is so hard to love them back the way they love you. I can't love Sarah fully kung mas mahal ko pa rin si Chris. Mahal ko naman sya but I don't know why di ko malimutan si Chris. " mahaba nyang paliwanag.
"Sana kaya kong mahalin si Sarah the way I love Chris kasi gusto ko ding maging masaya. Pero sana rin talaga, sinabi ko nang mahal ko si Chris noong mga panahon na ako pa ang mahal nya. Bakit kasi nag-iba eih?"
This is new. Yung version ni Luke ngayon ay hindi ang version na lagi nyang pinapakita.
He's too fragile.
"Bakit kasi biglang nawala yung nararamdaman nya para sa akin samantalang ako, sya pa rin pala hanggang ngayon."
Tinapik tapik ko ang balikat nya. "Maybe what you feel for her is what we call true love. Kasi kung hindi daw masakit ng sobra, hindi daw true love yun."
"Then her feelings for me before is not true love? Grabe lang ha. Nakakagaan ka ng damdamin,grabe. Tss!"
Natawa ako sa kanya. "Ganito kasi yan Luke. We have this stages of love di ba? Alam mo yung pausbong pa lang ng feelings? Crush to puppy love. Nawala kasi may mas minahal sya."
Yumuko na sya. "What if she didn't meet Paul or what if I pursue her when I discover that she have feelings for me? Siguro hindi ako nasasaktan ng ganito."
This version of him makes me sad.
"Maybe if I hold her close she will not fall for Paul. Akala ko kasi hindi sya mahuhulog. Leigh kasi akala ko tapos na yung sakit pero heto na naman. Nasasaktan ako kasi nasasaktan sya and I know I'm not the one who can make her happy."
"Luke."
"What if is all in my mind right now. What if I never walk away from her from the start? What if hindi ako natakot na baka mawala o masira ang friendship namin?
What if I never let Paul to have her?
What if I never let her go?
How is it possible to let go of the what ifs, Leigh?"
Paano nga ba?
Nakakalungkot isipin na lumipas na ang mga araw pero siya nandoon pa rin.
He was stuck to that one summer that turn his world upside-down.
It's funny that for all of us every day is a moment to remember but for him it's just ordinary day.