Chapter 4: Pagpapahayag?

239 11 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa mall nang may biglang nagtakip ng mata ko.

"Sino to?!"

"Asawa mo."

O_O

Asawa? Kailan pa ako kinasal?

"Joke. Si Jed to." Saka niya tinanggal yung kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.

"S-sus ikaw lang pala. K-kinabahan ako." Again, nauutal nanaman ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinusundan ka." Pinandilatan ko siya. Bakit ba ganito to? "Joke."

Umiling iling lang ako.

"Tara kain tayo!" Yaya niya.

"Saan?" Tanong ko naman.

"McDo. Mas malapit kasi yun dito." Sagot naman niya.

Di na ako nakatanggi kasi chance ko na to. Haler?! Crush ko ang kasama ko ngayon, CRUSH KO!

Nag-order ako ng chicken fillet, sundae at burger lang. Diet pa ako sa lagay neto.

Habang kumakain ako, I can feel that his looking at me. Nekekeileng teley. Enebe.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala. Ganda mo kasi." Whut? Nanaginip ba ako? Kung nanaginip ako, wag niyo na akong gisingin.

"B-baliw. Kumain ka na nga dyan."

Pagkaubos ng mga pagkain namin, dinala niya ako sa accesories store. Tintingnan ko yung nga necklace. May nakita akong necklace na may infinite na pendant.

"Uhhm Casey, pwede bang tulungan mo akong maghanap ng necklace for my special someone?"

Ouch.

"Sige." Sakit naman nun. Akala ko naman kung ano na kami. Assumera ka talaga Caisey eh. Tsk tsk.

"Ito oh. Maganda. May infinite na pendant." Sabi ko.

"Sige Thank you."

Yun na ang huli niyang binili bago kami umuwi.

Habang bumabiyahe, tahimik lang ako. Broken ako ngayon. Wala na palang pag-asa ang beauty ko. Paking tape.

"Uhmm, pwede ba akong magpatugtog?" I asked then he nodded. I play a song.

Kung sino sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako.
At kung saan saan ka pa naghahanap nandito lang naman ako.

Ako na lang sana.
Tayo na lang dalawa.

Tama. Sana ako na lang yung special someone mo. Kaso mukhang malabo dahil alam kong ngayon palang, talo na ako.

"Dito na ako. Thanks sa paghatid." Cold kong sabi. Bakit ba ako cold? Wala naman akong karapatan sakaniya.

"Sige. Ingat."

Ilang steps palang ang nahahakbang ko mula nang makapasok ako ay biglang tumunog ang door bell namin. I was shocked because when I opened the door, may paper bag na nakalapag.

From: Secret (Alam mo na yun)
To: You, Caisey

Yan ang nakasulat sa papel na nakasabit sa paper bag. Tiningnan ko ito at laking gulat ko dahil may box na nakalagay doon and I think I know kung anong laman nito. Isang necklace. Pero hindi infinite ang pendant niya, kundi ang word na 'Lifetime'. May letter pa.

Hi Caisey. Pasensya na kung di ko binili yung gusto mo. Masyado kasing impossible kung infinite dahil para sakin, walang forever o infinite man lang. Mas okay na ang lifetime dahil atleast habang nabubuhay ako, ikaw ang laman ng puso ko.

OMG. Sinarado ko ang pinto at tumakbo papunta sa kwarto ko. Gumulong gulong ako at nagtatatalon. Paano niya to ginawa? Waaaaah! Pero di bale na. Shet! Nagpaparamdam na ba siya? Parang multo lang eh no? Pero seriously, Does he have any special feelings for me? I'm gonna die.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon