Chapter 13: Home

199 4 0
                                    

"Get ready for the take-off passengers." Sabi nung announcer.

Maya maya, naramdaman ko ang nakakahilong paglapag ng airplane. Thank God na naging safe ang pagbiyahe ko. Uwi ko na. 1 month na ako doon sa France at gaya ng sabi ko, uuwi din ako oras na lumipas ang isang buwan. Alam nilang lahat ang uwi ko ngayon. Excited na akong makita ulit silaaaa!

Kinuha ko na ang mga bagahe ko. Naglalakad na ako. Siyempre look to the left and right baka sakaling makita ko na sila. At hindi nga ako nagkamali.

"Caisey! Caisey Andrei Collans!" Ang ingay talaga ng mga to.

Nagwave ako ng hands para makita nila ako. Nilapitan ko sila.

"OMG caisey! Super Ganda mo na!" Niyakap nila akong lahat.

"I miss you guys!" Sabi ko.

"Hahaha. Para na tayong tanga dito. Tara na!" Yaya ni Mark.

Sumakay kami sa van ni Francis and of course siya din ang nagdrive.

"Kamusta ka na? Ang ganda ganda mo na. In love ka no?"

"Baliw ka Julius."

"Hahaha. Totoo naman eh."

Dug.dug.dug.

Ito na naman si heart. Tumitibok tibok nang mabilis. Ano bang nangyayari sakin?

Pero ito ang pinakapinagtataka ko, lahat naman sila namimiss ko pero bakit parang mas namiss ko tong si Julius? Yung mga hugs niya, yung pagcomfort niya. Lahat yun namimiss ko.

What the F !?! Did I just say, siya ang pinakanamimiss ko? Ghad.

"Caisey, sabihin mo, nakahanap ka dun no?" Tanong niya na naman.

"W-wala no! Masyado akong busy para dyan."

Di na siya nagsalita at ako naman,sumilip sa bintana.

I miss Philippines. I can really say na the best ang Pilipinas.  Maraming magagandang lugar sa France but mas magaganda ang mga lugar dito sa pinas. Naturally Beautiful.

After an hour, nakarating na rin kami sa bahay.

Namiss ko din to. Sinalubong kami ni mom at dad na may pasurprise welcome party.

Hinug ko sina mom.

"arf! arf!"

Pagkalingon ko,

"Waaaaaah! Misteeeeeeey!"

Ang cute cute na ni Mistey at nakadamit na siya. Nakasapatos pa. May ribbom at collar din. Mukhang inalagaan talaga siya ni Mistle.

"Good job Mistle. Pwede ka na!" Nagthumbs up ako sakaniya. Natawa naman siya.

"Siyempre. Medyo makulit nga eh kaya ang hirap alagaan pero okay lang nama. Natrain ko na rin yan eh."

"Really? Sige nga!"

"Okay. Mistey, sit!" Tapos umupa si Mistey. Palakpak naman ako.

"Mistey, Roll over!" Nagroll siya.

"Mistey, Stand!" Tapos tumayo yung aso.

"Good girl." Wow.

"You're really a good pet owner."

"Well, thank you."

"Akin muna siya ah." Tumango lang siya.

Pumunta ako sa may mini garden namin at umupo sa bench. Mula dito, I can see Julius na masayang nakikipagkwentuhan. Mula noong umalis ako, may naramdaman na akong kakaiba. Gustong gusto ko kapag nandyan siya at cinocomfort ako. Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman kung ano ito. Am I starting to like him?

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon