Chapter 27: Two Timer

210 6 0
                                    

Julius' POV

Nandito ako sa mall dahil weekend naman. Kasama ko ngayon si Janine. Niyaya ko siya eh. I just want to have time with her. Kaso kanina pa siya nagtetext at ngumingiti mag-isa. Pero pinapabayaan ko na lang.

"Uhhm..Babe saan mo gusto pumunta?" Tanong ko. Lumingon siya sakin at sumagot.

"Kahit saan." At bumalik siya sa pagharap sa cellphone niya.

Babe, kasi kami na.

Dinala ko siya sa World Of Fun. Bumili ako ng mga tokens at nagsimulang maglaro. Ang dami ko na ngang ticket eh. Dati nagpaparamihan kami ni Caisey ng tickets tuwing maglalaro kami dito. Aish! Namimiss ko na talaga si Caisey. Ewan ko pero parang hindi ako nagiging masaya kapag kasama ko si Janine.

"Sino bang katext mo?" Tanong ko sakaniya. Di man lang kasi siya naglalaro.

"Wala. Sige laro ka na." She smiled at me and continue what she's doing.

Maya maya, tumunog ang cellphone niya. May tumatawag. Sinagot niya ito at mukhang tuwang tuwa pang nakikipag-usap.

"Sige! Sige pupunta ako!" Sabi niya."Babe, may imemeet lang akong kaibigan ah? Dyan ka lang." Paalam niya sakin saka umalis.

Nang natapos akong maglaro, kinuha ko ang mga tickets ko at bumili. Dahil marami, nakayanan kong makuha yung big teddy bear. Yan yung ibibigay ko sakaniya. Dahil ang tagal na ni Janine sa labas, hinanap ko siya at nakita ko naman.

Ang kaso, nakita ko nga siya pero may kasamang lalaki. Magkayakap at magkahalikan. Fvck.

Sumugod ako sakanila at agad sinuntok ang lalaki.

"HAYOP KA! GIRLFRIEND KO NA TO KAYA LUMAYO KA NA!" Galit kong sigaw.

"Anong sinasabi mo dyan? Gago ka ba?! Ilang years na kami ni Janine at balak na naming maengage sa isa't isa next year. Janine, kayo daw? Totok ba sinasabi nitong baliw na to?!" Tang ina. Ano ba tong nangyayari? Ilang years? Engage? Damn!

"H-hindi ah! Baliw lang yan."

ANO?! BALIW AKO?!

"Anong sinasabi mo Janine?!" Naiyukom ko ang kamay ko. Ayokong manakit ng babae. Puta! Ang tanga tanga ko!

Hinila niya ako.

"Ano ka ba Julius! Hindi naman kita minahal. Kung minahal man kita, dati lang yun hindi ngayon. At sa relasyon natin? Wala na akong kasalanan kung sineryoso mo ok? Break na tayo. Siya ang mahal ko. Lumayo ka na."

"Janine..."

Nagpipigil ako ng galit. Sobra akong nasasaktan ngayon.

"Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako. Minahal kita, Niloko mo ako. Siguro nga mali ako, siguro nga tanga ako."

Saka ako umalis. Ang bakla ko! Umiiyak ako.

Dumiretso ako sa bar at nag-order ng beer.

Nabulag ako sa pag-ibig. Kaya pa ganun ang mga kinikilos niya. Kaya pala parang wala saamin ang isip niya pagmagkasama kami. Kaya pala lahat ng ginagawa ko balewala lang sakaniya.

Nilibot ko ang paningin ko.

Teka?

Si Caisey ba yun?

Caisey's POV

Nandito ako ngayon sa bar. Sinama ako ng pinsan ko pero iniwan din ako. Parang baliw eh. 

"C-caisey..." Sabi sakin ng lumapit saakin. Pagkalingon ko...

"J-julius." Pigil emosyon kong sambit.

DUG.DUG.DUG.DUG

Dear Heart, tigil ka muna ok?

Pero Bakit siya nandito? Bakit parang umiyak siya?

"Caisey.. sorry.."

"Tama na okay? Lasing ka na."

"Please Caisey.. Ibalik natin yung friendshipp natin. Alam kong sinabi ko sayo na lalayuan na kita pero hindi ko kaya. Namimiss na kita." Sabi niya.

Lasing nga to. Kung ano anong sinasabi eh pero aaminin ko, umaasa ako na sana totoo na namiss niya ako. Sana.

"Oo na. Umuwi ka na."

"Samahan mo ak--Uwaaaahhhhh!"

"Shit Julius! Bakit mo ako sinukahan!" Yuck. Ang baho ko na.

"S-sorry." Inupo ko siya sa may stool.

"Dyan ka lang ok? Magpapalit lang ako." Wala siyang sinagot kaya umalis na ako.

Buti na lang may pamalit ako. Kung di ko lang mahal tong lalaking to eh. Mahal. Kasi hanggang ngayon, hindi ko kayang hindi siya kinakausap o nilalapitan. Kasi gusto kong nasa tabi ko siya lagi. Kasi nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Kasi sobra nang tumibok ang puso ko kapag nakikita siya ng aking mga mata.

Inayos ko ang sarili ko sa salamin at binalikan si Julius. Nakita ko siyang nakayuko sa may lamesa.

"Julius, wag kang magpapabigat ah? Dun ka muna sa bahay." Sabi ko. Masaya ako na aalagaan at makakasama ko siya ngayong gabi.

Inalalayan ko siya at isinakay sa sports car ko. Habang bumibiyahe, sinusulyapan ko siya sa salamin.

Tulog. Maamo ang mukha pero mababakas mo ang sakit at hirap. Nagtataka talaga ako kung anong nangyari dito. May ginawa kaya si Janine? Aish! Makapagdrive na nga lang.

After ilang minutes, nakarating din kami sa bahay. Tinulungan ako ng maid na ihatid sa guestroom itong kasama ko. Pagkahiga namin sa kaniya sa kama, bumaba agad ako para kumuha ng towel. Binasa ko ito ng malamig na tubig.

Umakyat ako at hinubad ang pantaas ni Julius. Walang malisya ah! Wala akong gagawin dito kahit natetempt ako. JOKE.

Pinunasan ko ang katawan niya. He's Hot. Sizzling Hot. *o* Ghad. Stop me please. Rerape-in ko tong lalaking to.

Nang natapos na ako sa pagpunas sa kaniya. Gumalaw siya at hinawakan ang kamay ko.

"T-thank you.." Sabi niya.

"You're welc—"

"Tulog ka na, Janine." Sabi niya at natulog ulit.


Janine?

OUCH. It really hurts. Fvcking hurts.

"Bakit siya parin? Bakit di na lang ako? Mahal na mahal kita Julius. Higit pa sa pagmamahal na binigay niya sayo ang kaya kong ibigay. Masakit na makita kang nasa ganitong kalagayan pero mas masakit na kahit anong iyak ko, hindi mawala wala ang sakit. Nahihirapan na ako pero pangako, hindi kita susukuan. Magmukha man akong tanga. Hinding hindi kita iiwan." Sabi ko na kinakakausap ang tulog na ito. Para akong tanga.

Bago ako umalis ng kwarto, muli ko siyang sinulyapan at pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa aking mga mata.


Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon