Chapter 25: Song

206 9 0
                                    

"Caisey, ikaw ang mag-iintermission sa assembly ah?" Sabi sakin ng isang student council.

"Huh? Bat ako? Wala akong talent." Wika ko.

"Anong wala? Eh ang galing mo nga kumanta. Please naman Caisey. I'm begging you." Nagbuntong hininga ako at wala na rin nagawa kundi ang pumayag.

"Oo na. Tsk. Kailan ba yan?"

"Really? Bukas. Sige see you! Thank you very much!" Sabi niya at tumakbo pero huminto siya ulit.

"Oo nga pala, hindi ka mao-OP doon kasi kasama sa mag-oorganize si Julius." At tumakbo ulit siya.

Isang linggo na nang maaksidente ako. Medyo natagalang makarecover kasi masyadong maselan ang kalagayan ko kaya ganun.

Naglakad na lang ako para pumunta ng cafeteria. Inabangan lang talaga ako nun para lang sabihin sakin na magpeperform bukas. Naisip ko yung sinabi niya..

Kasama si Julius? Baka kinuha siya at inassign. Mukhang alam ko na kung ano ang kakantahin ko.

*************

Naghahanda na ang lahat para magsimula.

May nagdoxology, yung campus choir namin, May nagremarks at naglecture at ngayon, turn ko na.

"And for the intermission number, let us call Ms. Caisey Collans, Campus queen to sing a song for us."

For us? Baka FOR HIM lang.

Kinuha ko ang mic at nilibot ang paningin. Saktong nakita ko siya at mukhang nag-aabang sa pagkanta ko. Nagkatitigan nga kami pero umiwas din siya ng tingin. Ouch naman.

Nagsimula nang tumugtog ang music.

Now Playing: ♪Kung ako na lang sana ♪

Heto ka nanaman, kumakatok sa king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap.
Eto naman ko, makikinig sa mga kwento mo na paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan.

Yung panahong kinuwentuhan mo ako tungkol sa pagbigay ni Janine ng chance sayo. Wala naman akong magagawa eh kaya pinatahimik ko muna ang puso't isip ko kahit na nasasaktan talaga ako.

Ewan ko bakit ba, Hindu ka pa nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan niya
At ewan ko ba sayo, parang balewala itong puso ko
Ano nga bang meron siya nasaakin ay di mo makita.

Binreakan ka niya pero binalikan mo parin siya. Eh nandito naman ako, handa kang mahalin kahit kailan at kahit saan.

Kung ako nalang sana ang yong minahal, di ka na muling mag-iisa
Kung ako nalang sana ang yong minahal, di ka na muling luluha pa.
Di ka na mangangailangan pang, humanap ng iba
Narito ang puso ko, naghihintay lamang sayo
Kung ako nalang sana...

Sana ako na lang. Sana maging tayo na lang. Masamang umasa, alam ko pero yun yung gusto ko eh. Bagay tayo, sabi ng marami pero wala yun kung hindi naman ikaw ang nagsabi. Aasa ako hanggat kaya ko para kapag sumuko na ako, alam ko na maraming efforts naman ang inalay ko,maraming sakripisyo kaya sasagadin ko na. Manhid na rin ako sa mga pananakit.

Natapos ang kanta ko nang umiiyam pa ako, nakakahiya. Pinunasan ko ito agad at nagsorry. Inasar pa nga ako ng MC eh, sinakyan ko nalang kasi totoo naman na broken hearted ako ngayon.

Nahuli ko si Julius na nakatingin nang seryoso saakin, this time, ako na ang nag-iwas ng tingin.

Maya maya, may nanghila ng kamay ko.

"Ano ba?" Si Julius. Hinila niya ako.

"Caisey..."

"Ano ba yun?!" Galit kong sabi. Ayaw kong maoffend siya sa kinikilos ko pero nasasaktan ako tuwing nakikita ko sya.

"S-sorry..."

"Sorry? Pagtinanggap ko ba ang sorry mo, mamahalin mo rin ako?"

"Caisey..."

"Pag pinatawad ba kita, iiwan mo ba si Janine? Hindi naman di ba?! Hindi! Kaya please, okay na yung paglayo mo. At least di ako nakakaramdam ng sakit."

Napakasinungaling mo Caisey! Lahat ng sinabi ko, di totoo. KABALIGTARAN iyon. Sa totoo lang, sa paglayo niya sakin, doble yung sakit.

Hindi na siya nagsaita at biglang lumuwag ang hawak niya sakin kaya agad kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumakbo. Pilit kong pinipigilan ang pag-agos ng mga luha ko, kaso waepek. Umiyak parin ako.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon