Chapter 8: Old Friend

215 7 0
                                    

Caisey's POV

Sabi nila, may transferee daw. Sino naman yun?

Nandito na kami sa classroom at pumasok na ang teacher namin.

"Class, I'm happy to tell you na kaklase niyo ang transferee natin. So Miss pwede ka nang pumasok." Sabi ni Prof.

WHAT THE HELL?!?

"Hi. I'm Fech. Fech Cloie Montealto. Nice to see you guys." Nakangiti niyang sabi.

Fech.

Her smiles.

Her movements.

How she speaks.

Hindi ako nakinig sa prof namin. Busy ako sa pagtingin kay Fech. I miss this girl.

*kriiinggggg*

Saktong nagbell na. Nilapitan ko si Fech.

"Hi Fech."

"Oh Hi din Caisey. Long time no see my old friend." Old friend? Kinalimutan niya na nga talaga ang pagkakaibigan namin. "By the way, I'll go na. Bye!"

Nasasaktan ako. Agad akong pumunta sa cafeteria at sakto namang nandun sila.

"Guys. I have news for you. Hindi ko alam kung good ba o bad ito para sainyo."

Tumahimik naman sila na parang naghihintay ng sasabihin ko.

"Si Fech, Nagtransfer dito. Kaklase ko siya. Binati ko siya and she also do the same kaso kita ko ang mapait na expression sa mukha niya." Malungkot kong sabi.

Umupo ako sa tabi ni Julius at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Tuluyan niya nang nakalimutan ang pagkakaibigan natin. Bakit kasi nangyari pa yung aksidenteng yun? Ang tanga tanga ko! Kasalanan ko to eh!" Umiiyak na ako.

"Sshhhh.. Tahan na Caisey. Papanget ka niyan." Pagcomfort ni Julius sakin.

"Oo nga Caisey at hindi lang ikaw ang may kasalanan. Tayo. Kasalanan natin." Courtney said.

Si Fech, kasama siya sa grupo namin. Pito kami noon. Sa totoo lang, ako ang pinakamalapit sakaniya. Bff ko na siya halos ituring pero di naman talaga ganun. Parang close friend lang. Masaya kami dati. Gumigimik, Umiinom at kung ano ano pang kalokohan ang ginagawa namin hanggang sa nagdulot ang mga ito ng isang aksidente. Aksidente na lubos naming pinagsisihan. Doon na nawala si Fech samin. Hindi na siya nagpakita samin kahit kailan.

Saktong dumaan si Fech sa harapan namin.

"Oh hi guys!" Bati niya samin.

Yumuko ako.

"H-hi." Bati ni Francis. Siya lang ang bumati dahil lahat kami, nakayuko. Di alam ang gagawin dahil sa nararamdamang guilt.

Wala na kaming narinig na salita kay Fech. Mukhang umalis na siya.

Bakit ka ganun Fech? Bakit di mo kami pinakinggan noon? Old friends na nga lang ba ang ituturing mo samin ngayon?

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon