Chapter 9: Manloloko

197 7 0
                                    

Courtney's POV

Naglalakad ako ngayon sa likod ng school. Gusto ko lang magpahangin. Tanggal stress lalo na't nagbalik na si Fech.

Magpapakilala muna ako.Courtney Salveda, that's my full name. Done.

"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?" Boses yun ni..

"Oo. Bakit mo ba kailangang gawin to?" At boses naman yun ni..

"Kabayaran lang yan sa mga kasalanan niya, kasalanan nila. Hangga't maari, sirain mo ang friendship nila."

"Pero ba—"

"Kung mahal mo ako, gagawin mo ang sinasabi ko." Lumapit siya at hinalikan ang lalaking kausap niya.

Jed...

Fech....

Bakit niyo kami niloloko? Bakit niyo balak sirain ang pagkakaibigan namin?

Tumakbo ako. Kailangang malaman na ni Caisey to. Masasaktan lang siya kapag nagtagal ang panlolokong ginagawa sakaniya.

Caisey's POV

"Caisey!" Sigaw ni Courtney.

Kasalukuyan kaming nasa field ng school.

"Hey, calm down. Bakit ka tumatakbo?" Nag-inhale and exhale muna siya bago magsalita.

"Caisey, niloloko ka lang ni Jed. Nakita ko sila nag-uusap ni Fech tungkol sa plano nilang sirain ang friendship natin. Niloloko ka nila! Niloloko nila tayo Caisey!" Friend ko si Courtney but mahirap paniwalaan ang sinasabi niya. Naiyukom ko ang kamao ko.

"No. Hindi totoo yan."

"Caisey, trust me. Layuan mo na si Jed. Hindi makakabuti yan sayo! Masasaktan ka lang niya." Hinampas ko ang table gamit ang mga kamay ko.

"HINDI! MAHAL AKO NI JED! MAHAL NIYA AKO! HINDI NIYA AKO KAYANG LOKOHIN GAYA NG SINASABI MO! Mahal niya ako. Hindi niya ako lolokohin..." Umiiyak na ako. Hindi ko alam kung sino at anong paniniwalaan ko. Nalilito ako, nasasaktan. Binack hug ako ni Julius. Siya na lagi ang comforter ko tuwing nasasaktan ako.

Hinawakan ni Courtney ang mga kamay ko. Naakaagaw pansin na rin kami dito. Pero wala akong pake!

"Caisey naman, pakinggan mo ako."

"No..*hik* Mahal niya ako *hik*"

Tama... Mahal ako ni Jed...

Julius' POV

Ang sakit makitang nasasaktan si Caisey dahil sa isang lalaki. Nasanay na akong lagi siyang cinocomfort. Ayoko lang nang may nananakit sakaniya. Sa kalagayan ngayon ni Caisey, mukhang mas tama kung maniniwala siya kay Courtney.

Una palang na kita ko kay Jed, nagkulo na ang dugo ko. Hindi ko gusto ang ugali niya. Nakakapagtaka naman na bigla bigla na lang siyang lalapit kay Caisey at magpaparamdam sa kung anong nararamdaman niya para dito. Mabuti na lang at hindi pa nagiging sila kasi kung oo, mas masasaktan si Caisey. Mabuti na lang din at nakita sila ni Courtney dahil kung hindi, baka nabubulag parin si Caisey sa pagmamahal niya para kay Jed. Pero bakit kailangan nilang gumawa ng plano ni Fech para sa ikasisira namin? Bakit kailangang makisali ni Jed sa hindi namin pagkakainitindihan? Alam kong nagagalit si Fech saamin dahil sa isang pagkakamali kaya balak niyang paghiwa-hiwalayin kami.

She knows na matatag ang pagkakaibigan namin at papatunayan parin namin yun.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon