Chapter 10: Heart Break

216 5 0
                                    

Ilang weeks na ang nakalilipas at tapos na ang 1st semester. Bakasyon na. Hindi parin nagpapakita si Jed. Hindi siya umaattend ng mga subjects na magkaklase kami. Inaabangan ko siya sa school pero nabibigo ako dahil wala namang Jed na lumalabas.

Nasa mall ako ngayon, mag-isa. Nagmumuni-muni dahil sobra na akong pagod sa kakaiyak at kakaisip kung paano na kami ni Jed. Okay naman kaming magkakaibigan pero di na ako masyadong lumalapit muna sakanila. Madalas, gusto kong mapag-isa dahil pag ako lang, nagagawa kong maghintay at mag-abang para kay Jed. Kapag kasama ko kasi sila, pipigilan lang nila ako.

Habang naglalakad, nakita ko si Jed. Si Jed! Lumalapit na ako sakaniya. Papalapit nang papalapit kaso biglang may lumapit sakaniya. S-si F-fech.

"J-jed.." Sambit ko. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko at napalingon saakin.

Agad ko siya sinugod at sinampal.

"HOW DARE YOU NA LOKOHIN AKO! NAGING BULAG AKO SA THOUGHT NA MAHAL MO AKO. KASO MALI AKO, MAHAL NA MAHAL KITA JED PERO PINAGSAMANTALAHAN MO ANG KAHINAAN KO! MANLOLOKO! MANLOLOKO! MAN-" Natigilan ako nang pigilan niya ang mga kamay ko na kanina pa siya sinasaktan. Kulang pa ang ginagawa ko sa sakit na idinulot niya sakin.

"Ano ba Caisey! Wag kang gumawa ng eksena dito! Pwede ba? Layuan mo ako! Hindi kita mahal! Hindi kita minahal!"

Parang kutsilyong sumaksak sa akin ng ilang beses ang mga katagang binitiwan niya. Bakit..

"Hay nako Caisey. Bakit ka nagpapakatanga sa isang lalaki? Poor you. Well I guess, tapos na ang plano natin. Kulang pa yan Caisey. Kulang na kulang pa." Sabi ni Fech. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sabunutan. But I can't.

"Bakit Fech!? Dahil pa rin ba ito sa nangyari noon? Hindi mo alam ang ginawa namin para mailigtas ka mula sa kamatayan!"

"Ligtas?! Wow Caisey! Big Word! At di niyo rin alam kung anong pinagdaanan ko! Sa susunod kasi, wag emosyon ang pairalin. Ayan tuloy ang napala mo. Tsk. Let's go babe. Alis na tayo dito." Tinignan ko si Jed. Walang emosyon ang kanyang mga mata.

Napaupo na lang ako sa sahig ng mall na ito habang humahagulgol ng iyak. Pinagtitinginan na ako pero wala akong balak pansinin sila.

Ang tanga tanga ko! Dapat kasi nakinig ako kay Courtney!

"Ang tanga tanga ko..."

Nakaramdam ako nang may yumakap sakin.

"J-julius? Anong g-ginagawa mo dito?"

"Shhh.. Tara na tumayo ka na dyan. Oh, panyo. Sinabi naman namin sayo eh. Niloloko ka lang nun. Wag ka nang umiyak hindi siya worth it sa mga luha mo."

"T-thank you." Inalalayan niya ako sa pagtayo. Salamat Julius na lagi kang nandyan. Maraming salamat.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon