Chapter 29: Danger

213 4 0
                                    

Ilang linggo na ang nakakalipas nang bumalik na lahat sa dati. Nagkakasama-sama na agad ang barkada. Masaya na ulit.

Kami ni Julius? Okay na okay. Kinuwento niya na yung ginawa sa kaniya ni Janine. Nakakaasar nga eh. Bruhang babaeng yun! Masaya kami at lalong mas kumulit sa isa't-isa. Tuwing kasama ko siya, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Lagi na lang tumitibok ng malakas ang puso ko at lagi na lang lumilipad ang mga paru-paro sa tyan ko. Minsan, hindi ko maiwasang mangarap. Hindi talaga kasi ako yung tipo ng babae na bigla bigla na lang sumusuko hangga't di nakukuha ang gusto niya. Kahit man lang magustuhan niya ako more than friends ay ok na sakin. Hay life, why so rude to me?

"Sige na Caisey, I'll go home na ah? Bye!" Paalam ni Mistle sakin.

Gabi na ngayon. May ginawa pa kasi kami ni Mistle sa faculty kaya ginabi kami ng uwi. I look for my key at nang nakuha ko iyon, sumakay na ako at driver's seat saka nagdrive.

Habang nagdadrive ako, nagwala bigla ang tyan ko. Oo nga pala, di pa ko kumakain. Then I saw 7 11. Pinark ko ang kotse ko at pumasok sa loob ng store.

"Pick-a, Mogu-mogu, chocolate cake, water..." Bulong ko. Namimili kasi ako ng kakainin ko.

Nang matapos ako sa pamimili, binayaran ko na lahat ito sa cashier. Papasok na sana ako sa kotse nang may biglang nagtakip ng ilong ko at unti unting nanlabo ang paningin ko.

********

Pagmulat ng aking mga mata, nakatali na ang kamay at paa ko. Parang warehouse tong kinalalagyan ko dahil ang dumi dumi at ang baho. Tiningnan ko ang paligid ng silid na ito pero biglang bumukas ang pinto.

"S-sino ka?" Tanong ko pero walang nagsasalita.

"SINO KA!" Mas nilakasan ko na ang boses ko sa pagkakataong ito at mas lumapit na rin siya sakin na dahilan para makita ko ang mukha ng lalaking to. Hindi pamilyar ang mukha niya.

"Shhh...easy Ms.Collans." Bakit alam niya ang apleyido ko?

"Bakit ba ako nandito? Ano bang gagawin niyo sakin?"

"Simple lang, magiging kabayaran ka ng pagtanggi ng mga hayop na magulang mo sa pagtanggi nila sa business offer ko. Magiging pain ka para tanggapin nila yung offer ko." Kalmado niyang sabi.

"Are you insane?! Ganyan ka na ba kabaliw para gawin ang lahat ng to para sa isang business offer na tinanggihan nina mommy at daddy?!" Ghad. I can't believe this. This man in front of me is crazy.

"SHUT UP YOUNG LADY! Hindi mo alam kung gaanong kalaking pera ang itinaya ko para sa offer na iyon! It's not just an ordinary product! Napakalaking halaga ang nagastos para magawa iyon! Dahil napakamaimpluwensya ng kumpanya niyo, wala man silang iniutos o sinabi, tinanggihan din ng ibang kumpanya ang offer ko! ARRGHHH!" Galit niyang sabi.

"And shut the fvck up old man! Kung tutuusin, napakachildish mo para kidnapin ako at gamitin ako para sa business offer mo. You know what? There's a lot more important things I need to do than wasting my time with you!" Wow huh. I have my guts pa para sabihin yun.

"QUIET! Give me your phone!"

"And why should I?"

"Just give me your phone or your life will end now!"

"Kung sa may pagkatanga ka din no? Paano ko makukuha ang cellphone ko kung nakatali ang kamay ko?" Nakadroga ba to? Wala kasi siya sa sarili or baka natural na to?

He move his hand and signed the man with him. Akala ko, kakalagin niya ang tali sa kamay ko. But I'm wrong. Kinapa niya ang bulsa ng shorts ko at nakita niya ang cellphone ko. Kinuha niya ito at binigay sa boss niya.

The Old man dialed someone on my phone. He's just waiting for someone to answer it.

"Hello. Nasa akin ang anak mo Collans. Kung gusto mo pang mabuhay tong anak mo, pumunta kayo ditong dalawa ng asawa mo. Walang pulis at walang kasamang iba. Get it? If you break my rule, then I have no choice." Sinenyasan na naman niya ang tauhan niya at ang ginawa naman nung tauhan niya sakin ay pinalo ako ng kahoy sa balikat.

"WHAT THE HELL!?!" Yan ang nasambit ko dahil sa ginawa nila. Damn people.

"Do you hear you daughter's voice? See you." Then he end the call.

Now what I'm going to do?

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon