Chapter 11: Moving On

203 7 0
                                    

Ilang days palang ang nakakalipas simula nang mangyari iyon. Nalaman na ng buong barkada kung ano ang nangyari. Si julius, nakita niya lang ako na umiiyak sa mall kaya nilapitan niya ako. Bumibili daw kasi siya noon. Nagmomove on na ako pero ang sakit parin kapag naaalala ko ang mga ginawa nila. So I've decided na pumunta ng France. Magbabakasyon muna ako doon para malayo ako sa sakit. At ngayon na ang alis ko.

"Caisey naman eh, wag ka nang umalis. Mamimiss ka namin eh." -Mistle

"Oo nga. Wala nang magluluto." -Mark

"Wala nang maingay." -Francis

"Wala na akong kasabay mag-alaga kay Mistey (aso na binigay ko sakaniya)" -Mistle

"At wala na akong icocomfort." -Julius

"Ano ba kayo! Isang buwan lang ako dun mga baliw!" Natatawa tawa kong sabi sakanila.

"Pwede ka naman kasing magmove on dito eh." Sabi ni Mistle.

"Pag dito ako nagmove on, mahihirapan ako at matatagalan pero pag doon, baka may makilala pa akong pogi diba? Atsaka di lang naman pagmomove on ang ipupunta ko dun, I also need to do my job there." Paliwanag ko sakanila. Kanina pa tong mga to eh. Ayaw akong paalisin. Mamimiss daw nila ako masyado.

"Calling all passengers going to France, proceed to your area now." Ito na.

"Mistle, alagaan mo si Mistey ah!" Nagbeso kami.

"Ikaw naman Courtney, wag kang gagaya sakin ah? Siguraduhin mong crush ka rin ng crush mo, For real." Bineso ko din siya.

"Ikaw naman Mark, wag ka nang chickboy ah! Nako! Magseryoso ka na." Kiniss ko siya sa cheeks.

"Ikaw naman Francis, ayusin mo ang pag-aaral!" Kiniss ko din siya sa cheeks.

"At ikaw naman Julius, mag-iingat ka palagi." Kiniss ko din siya sa cheeks.

Dug.dug.dug.dug.

Bakit ganto? Bakit parang may iba sa nararamdaman ko? Aish! Hayaan na nga!

"Bye guys! Mamimiss ko kayo! Muaaaah!" Nagflying kiss pa ako bago tuluyang naglakad palayo sakanila.

Magara ang airplane namin ngayon. Sa may First Class ako nakaupo. Nagpray ako na sana gabayan ako ni God sa biyaheng ito.

Gaya ng sabi ko kanina, hindi lang naman ako magmomove on dun, may kumuha kasi sakin bilang model at sa France ang venue. Di ko lang ala kung saan banda dun pero sa Paris kami mag-iistay. Marami din akong kasama pero ibang nationality. Alam nina daddy to pero di na sila sumama sa paghatid sakin sa airport. Iiyak lang daw kasi si mommy. Kulit talaga eh kaya sila na lang ang sumama sakin dito. Ayaw ko mang iwan sila, I need to do this. Sana sa pagpunta ko doon, mawala tong sakit na dinadaing ko.

Naramdaman kong gumagalaw na ang airplane. Lilipad na ito. Saglit lang ang isang buwan. Babalik din ako kaagad.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon