Chapter 33: Christmas Disco

207 6 0
                                    

Ilang weeks na ang nakalilipas at patuloy parin si Julius sa panliligaw. Alam na ng barkada ang about samin.
Today is December 20. Everyone is busy preparing for tonight. Why? Cause merong christmas disco sa school namin.

4:00 na at 5:00 ang start ng program kaya naligo na ako. Simple lang ang suot ko. Shorts, sando na may "Army" na nakatatak at long sleeve polo na inopen ko. May airmax din ako na sapatos. Cinurl ko ng onti sa dulo ang hanggang bewang kong buhok. Nagmake up ng light at charaaa! Tapos na ako. Saktong 4:45 na kaya umalis na ako.

Siyempre sakay ako ng sports car ko papuntang school. Ang cool ko tingnan bwahaha! Pagkababa ko, nagtinginan sakin yung mga students. Sa ganda ko ba naman.

"Caiseeeey!" Sabay sabay na lumapit ang barkada saakin.

"Ang pretty mo!"

"Maliit na bagay Mistle." Sabi ko. Nahanginan ako doon ah.

Nagsimulan na kaming maglakad. Lahat kami pinagtitinginan pero center of attraction ako. Simple lang naman suot ko, nadadala ko lang. Ang yabang ko ata ngayon -,-

Teka, parang wala si Julius? Hinanap ko siya kaso wala talaga eh.

"Malelate si Julius." Parang nabasa ni Mark yung isip ko. Natameme nalang ako.

"ARE YOU READY TO PARTYYYYYY?!?"

Sigaw ng MC. Parang may susugurin na tumakbo yung mga estudyante. Siyempre kasama kami doon. Nasa may gitna kami. Daming tao. Buti nalang di ako ganun kaliit kundi pipi na ako dito.

Maya maya, nagsimula na ang tugtugan. Lahat kami ay sumusunod sa beat. Talon lang nang talon! Ang saya whoo!

Kaso may kulang talaga. Kahit gusto ko nang tumigil kakasayaw, hindi ko magawa. Gitna ba naman kasi, paano ako makakaalis?

After 1 hour nang pagiging wild, biglang nag-iba yung genre ng music. Sweet dance amputs.

Yung mga kasama ko? Ayun, nagkanya kanya. Alam mo yung naiwan ka sa gitna at puro nagsasayaw na couples ang nakikita mo? Julius, asan ka na ba? T_T

Anong nangyayari? Biglang humawi yung mga nagsasayaw at pinalibutan ako. Bumuo sila ng circle tapos tumigil sila sa pagsasayaw. Bigla rin nag-iba yung kanta.

Now playing: Forevermore

Isa isa, may nagbigay saakin ng keychain. Puro lalaki at babae na magkahawak kamay. Tas may nakalagay na 'Friends Forever'.

"I don't want you to be my friend anymore, hindi katulad ng nakasulat sa keychain na yan." Teka..

Julius?

Pumasok siya sa bilog. Bale kaming dalawa ang nandito. At yung mga kaibigan ko parang asong ulul kung makangiti.

"We are really good friends. Pero ayaw na kitang maging kaibigan."

Ouch.

Lumapit siya sakin at iniabot ang isang keychain na may 'Friendship over'.

Bakit mo to ginagawa?

"Kasi..."

Pinasok ang isang napakalaking box.

"Buksan mo muna."

Sinunod ko yun kahit kinakabahan ako. Pagkabukas ko ng box, biglang may lumipad na mga balloons. Parang may ilaw yung balloons sa loob. Ang ganda sobra pero hindi yun yung nagustuhan ko. May nakatali na "Can you be my Girl" sa huling balloons na lumipad.

"Can you?"

Napaluha ako. Dahil speechless, tumango nalang ako. Naghiyawan yung mga tao. Kasabay ng tugtog, sinayaw niya ako. Kami lang nung una yung nagsasayaw tapos paunti-unti, sumali na lahat.

This is the most memorable day of my life.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon