Chapter 3: First encounter with him.

268 10 0
                                    

Masaya akong naglalakad dito sa hallway kasama ni Courtney.
"Oh my gosh! Tingnan mo oh!" Tarantang ginagalaw ako ni Courtney.

"Ano ka ba? Ano ba yan?" Tiningnan ko yung pinapatingin siya. Yung Ultimate Crush niya na nagmessage sakaniya. Yun lang pala.

"Sus yan-"

*boogsh*

"Ano ba yan, Miss. Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!"

"Sorry naman. Di kasi ako dumadaan sa daanan ko at ikaw na tumitingin ay hindi man lang umiw-" What the F! Si J-jed. Nakabangga ko. Nakakahiya.Waaaah!

"S-sorry Miss." Tapos umalis na siya pagkatapos ibigay yung mga librong nahulog.

"Hala sis! Siya yung Crush mo diba?"

"Sshhh! Ang ingay mo naman."

"Oh sorry."

Habang naglalakad, hindi maalis sakin yung nangyari. Sa dinami dami ng pwedeng makabangga, bakit sya pa? Aish! Nakakahiya talaga. I'm doomed.

"Ms. Collans, Can you please listen? If you don't want to, the door is open, you can go now." Ayan napagalitan pa ako.

"Sorry miss."

Then bumalik na siya sa pagtuturo. Napasilip ako sa upuan ni Jed, As usual, nakadungaw parin siya sa bintana. I wonder kung sino ang sinisilip niya dun? Hay bayaan na nga.

*****
"Hay! Asan na ba sila?" Andito ako sa cafeteria, MAG-ISA. Putek! Ayoko pa namang nag-iisa. Ang awkward eh. Tinext ko silang lahat at ang reply nila?

Busy ako. Sorry.

Ang saya di ba? Kakain ako mag-isa anubayan.

"A-ah M-miss pwede bang m-makiupo?" Pagkatingin ko sa nagsalita, si Jed.

"S-sige." Mali Caisey, Wag kang mautal. Nahahalata ka eh.

"Uhmm sorry kanina Caisey." Alam niya pangalan ko? Magpapafiesta ako neto!

"Alam mo pangalan ko?" Nagnod siya.

"Pero paano?" Malamang magkaklase kami eh. Ngumuso siya. Wag mong sabihing? Gusto niya akong ikiss? Waaah! Sige sige sige. Bet ko yan.

Ngumuso nguso din ako. Natawa naman siya. Ngayon ko lang nakitang tumawa to ah.

"Ano ka ba? Bat ka ngumunguso?"

"Ah akala ko kasi ik-kiss mo ako."

"Baliw. Nalaman ko pangalan mo dahil sa ID mo. Tinuturo ko lang."

Doinks! Muntikan na akong matumba sa upuan. Napaka-assuming mo kasi Caisey.

"Okay." Yan lang nasabi ko.

"Ehem." Sabay sabay na sabi ng mga kabarkada ko.

"Ay! Sorry. Alis na ako. Yung upuan na lang kasi niya yung available seat eh." Tapos umalis na siya.

"Bye Caisey. Next time ulit." Huling sinabi niya.

"So what's about that?"

"Pinopormahan ka niya no?"

"Umayos ka ah. Baka paasahin ka lang nun."

Sunod sunod na tanong nila.

"OA kayo. Kain na nga tayo!"

Tapos umupo na sila. Mabuti at di pa ako nakakakain. Umupo na sila.

See you next time.

See you next time.

See you next time.

Tangna! Umalis ka sa isip ko!



Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon