Chapter 24: Issue? Gone.

184 6 0
                                    

Caisey's POV

Nagising ako na ang bumungad saakin ay ang puting kisame at pader ng silid na ito. Tinignan ko ang aking sarili na nakasuot ng mahabang damit na pang-ospital. May bandage din ako sa ulo kasi tumama ito noong natumba ako.Nakita ko rin si Fech sa tabi ko na natutulog.

Napangiti ako. Hindi naman ako ngeexpect na patawarin niya ako. Masaya na ako na sinamahan niya ako dito.

Hinaplos ko ang buhok niya at mukhang naramdaman niya iyon kasi gumalaw siya.

"Caisey? Ayos ka na?"

"Oo."

"Sorry nga pala kung di ko napakinggan ang paliwanag niyo. Nadala lang ako ng galit at emosyon. Sorry talaga. Sana pabalikin niyo ulit ako."

"Ano ka ba,kami nga ang dapat manghingi ng sorry sayo eh. At ang lagi mong papakatandaan, kahit na anong mangyari, tatanggapin ng bawat isa ang bawat isa. Gets?" Alam kong magulo ang sinabi ko pero nagets niya naman ata.

"Thank you."

"No. Thank YOU. Salamat kasi binabaan mo ang pride mo. Salamat kasi pinakinggan mo ako. Salamat kasi babalik ka na. Bakit ka ba umiiyak doon?"

Kinuwento niya saakin ang nangyari. Gago pala talaga yung si Jed eh! Una, ako tapos si Fech naman. Kaso parang may mali? Tuwing nakikita ko kasi silang magkasama, parang sincere na sincere sila sa isa't isa. Napaiyak pa nga si Fech habang nagkukuwento siya eh.

"Nga pala, asan sina mom and dad?"

"Ay, umalis sila. May bibilhin ata." Tumango ako at hindi na sumagot.

May pumipihit ng door knob at pumasok ang barkada. Siyempre hinanap ko si Julius pero nabigo ako dahil hindi ko siya nakita. Hindi ko na lang pinansin kung ano mang disappointment ang nararamdaman ko. Noong nakita nila si Fech, nagulat sila.

"Bati na kami at gusto niya ulit mabalik ang dati." Sabi kopara maalis ang pagdududa sakanila.

Ang gulat na ekspresyon ay napalitan ng saya. Niyakap nila si Fech. Kinuwento din ni Fech kung anong nangyari.

Habang masaya kaming nagtatawanan, nagsalita bigla si Mark.

"Oo nga pala Caisey, may nagpapabigay sayo nito." Binigyan niya ako ng chocolate na may letter. Grabe, stress reliever ko to eh. *o*

"Kanino galing?" Nagkibit balikat lang siya. Peste talaga tk
Binuksan ko ang letter at binasa.

Take care Caisey. Pagaling ka ah. Di ako pupunta kasi may iniiwasan ako. Sorry. Ito, chocolate. Alam kong useful to sa panahong ganito.

                          -Julius

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. May iniiwasan siya at ako yun. Hay, pero ok lang. Atleast nag-aalala parin siya sakin at may pake.

Siyempre Caisey, Kaibigan ka niya eh. KAIBIGAN lang.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon