Chapter 20: The Past

181 7 0
                                    

Ibang iba na talaga si Fech ngayon. Kumpara sa dati, napakabait niya, masayahin at kung tutuusin, siya ang pinakamatino sa barkada. Lagi kami ang magkapartner noon kaya sobrang close kami sa isa't isa.

*Flashback*

Nandito kami ngayon sa bahay ni Francis. May sleep over kami. Trip ng barkada eh. Dahil sa katahimikang bumabalot saamin, naisipan naming maglaro ng spin the bottle.

Pinaikot ni Mark ang bote at natapat ito kay Courtney.

"Truth or Dare?" Tanong ni Mark.

"Truth." Sagot ni Courtney.

"Virgin ka pa ba?" Muntikan nang masamid si Courtney sa iniinom na tubig.

"Maharot ako pero nirerespeto ko ang sarili ko. Wala pa akong nasusukuan ng bataan." Diretso niyang sagot.

Pinaikot nilang muli ang bote at ito'y tumapat kay Francis.

"Truth or Dare?" Tanong ni Courtney.

"Dare." Buong tapang na sagot ni Francis.

"Magsexy dance ka." Pinatugtog ni Julius ang slow motion at nagsimula nang sumayaw si Francis.

Muling pinaikot ni Francis ang bote at natapat ito saakin.

"Dare." Di pa man siya nagtatanong ay sinagot ko na ang dapat na itatanong niya.

"Osige, uhmmm labas ka tapos tayo ka sa gitna ng kalye. Magsisigaw ka dun ng "Tulong! Nawawala ako!"

Lumabas kaming lahat at sinimulan ko nang gawin ang dinare sakin. Tumayo ako sa gitna ng kalsada,wala namang masyadong dumadaan dahil subdivision to.

"TULONG! NAWAWALA AKO! TULONG!" Sigaw ko. Tawang tawa naman sila sa ginawa ko. Sus. Parang yun lang eh, basic.

Sa pagkakataong ito, ako naman ang nagpaikot ng bote. Muntikan pa nga itong matapat kay Mark pero nagpatuloy ito sa pag-ikot nang mabagal at huminto kay Fech. Napalabi si Fech dahil akala niya, hindi na siya matatapatan ng bote.

Dahil gusto kong makaganti, parehas lang din ang utos saakin kanina ang pinagawa ko sa kaniya. Ang kaibahan nga lang, uupo siya at kikilos na parang nagyoyoga. Ginawa niya iyon. Nakapikit, Nakaupo at nakataas ang mga kamay.  Ngunit sa di kalayuan, nakikita ko ang papalapit na kotse. Agad kong sinigawan si Fech upang umalis ngunit parang di niya ito naririnig.

"FECH! UMALIS KA NA DYAN! MAY KOTSENG PAPARATING! FECH!" Natataranta kong sigaw. Maski ang iba ay sumisigaw at natataranta na din.

Mukhang narinig iyon ni Fech at lumingon samin nang may pagtataka. Tatakbo na sana ako upang sagipin siya ngunit napako ako sa aking kinatatayuan nang tuluyan na siyang nabangga.

"F-fech.."

Bumaba ang driver na nakabangga kay Fech at tinulungan kaming isugod siya sa ospital.

Makalipas ang isang araw pagkatapos ng kaniyang operasyon, tinangka namin siyang bisitahin ngunit hindi kami pinayagan ng pamilya niya dahil galit sila saamin. Dahil daw sa mga kalokohan namin, kaya nagkaganun si Fech. Ayaw na daw nilang makita ang mga mukha namin bilang kaibigan ni Fech.

Ang buong akala ni Fech, hindi namin siya dinalaw o kinamusta man lang at yun ang kinagagalit niya ngayon. Maling mali ang akala niya. Dahil kahit anong ginawa namin, balewala yun. Kaya nawala siya saamin. 

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon