Chapter 28: Back to the way they used to be

215 5 0
                                    

Julius' POV

Arrrgh. Ang sakit ng ulo ko. Hang-over putek.

Nasaan ba ako? Hindi ko to kwarto ah? Pilit kong inaalala ang nangyari kahapon kaso wala. Mukhang pamilyar tong kwartong ito.

Bumaba ako. Nakita ko si Caisey na naghahanda ng almusal. Kaya pala pamilyar. Bahay niya pala to.

Ah! Natandaan ko na, kinausap ko pala siya sa bar tapos nasukahan ko siya. Then wala na talaga akong maalala.

"Kain ka na. Tapos inom ka na ng gamot para sa headache." Sabi niya nang nakangiti. Namiss ko talaga si Caisey. Ewan ko pero ang daming meron siya na wala si Janine. Bakit kaya di ko na lang siya nagustuhan? Di naman malabo yun eh.

Ngumiti ako tapos umupo na rin. Pinaghanda niya ako. Ang alaga niya.

"Oo nga pala Caisey, thank you."

"Wala yun." She smiled. Her smiles really make things light.

"Ahmmm..Caisey sorry sa pagla-"

"Please, wag na natin yun pag-usapan." Pinutol niya agad ang sasabihin ko.

Tahimik kaming kumain. Kami lang dalawa dito kasama ng mga maids niya.

"Bati na ba tayo?"

"May magagawa ba ako?"

Napangiti ako. Ewan ko ba pero masaya ako. Na bumalik yung friendship namin. Akala ko kasi kaya kong layuan si Caisey pero di pala. Sa totoo lang, lagi ko siyang naiisip.

Pumunta siya sa kusina at uminom ng tubig. Dahil di ko napigilan ang saya na bati na kami, pinuntahan ko siya at niyakap.

Caisey's POV

DUG.DUG.DUG.DUG.

Binack-hug niya ako. And it makes my heart beats faster and louder.

"B-bakit?" Tanong ko.

Hinarap niya ako sakaniya. At hawak niya rin ang magkabilang balikat ko.

"Thank you. Thank you kasi lagi kang nandyan kahit di tayo nagpapansinan. Thank you kasi di mo ako sinusukuan. Thank you kasi inalagaan mo ako at higit sa lahat, Thank you kasi ito tayo ngayon, friends na ulit."

Friends...

Hanggang Friends lang. FRIENDZONE.

"W-wala yun." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Hinarap niya ang mukha ko gamit ang paghawak sa chin ko. Di ako makatingin nang diretso sa mata niya.

Naramdaman kong unti unting lumalapit ang mukha niya sakin. We're so close with each other like we're going to kiss.

Magkikiss nga ba kami? WAAAAAAH! Oh my god! Oh my God! Bet ko yan!
Mga 3 cm na lang ang lapit niya sakin nang huminto siya.

"S-sorry."

"O-okay lang."

Spell awkward. K-A-M-I. Kami!

"Sayang..." Bulong ko.

"Anong sabi mo?"
"Wala sabi ko, ang baho ng hininga mo."

"Mabaho daw, tara dito papaamoy ko sayo."

"Yuck kadiri ka!"

"Taraaa naaa! Hahaha." Hinabol niya ako. Takbo lang ako nang takbo. Kaso nung nakarating ako sa likod ng bahay, wala nang hunahabol saakin.

"BOO!"

"KYAAAHHHHH!" Tili ko.

"AHAHAHA! Nakakatawa yung reaksyon mo!" Halakhak niya. Paano ba naman kasi? Ginulat ako? Baliw talaga eh.

"Sige. Tawa pa."

"Siyempre joke lang. Baka mag-away na naman tayo eh." Ginulo niya ang buhok ko at inakbayan niya rin ako. Tiningnan ko siya ng masama sa paggulo ng buhok ko. Ang hirap kaya magplantsa.

Okay na ako, kahit may natitira pang sakit dahil alam kong mahal niya pa rin si Janine pero at least bumalik na kami sa dati. But this won't take too long. I will make you mine. Mine only.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon