Chapter 17: Mall

212 5 0
                                    

Sabado ngayon at bored na bored na ako. Palakad lakad lang ako dito sa kwarto. Pagulong gulong at patalon talon sa kama dahil sa kaboringan. Sa pagmumuni ko, umilaw ang bumbilya sa taas ng ulo ko.

Dinaial ko ang number ni Julius.

"Hello?"

["Oh bakit Caisey?"]

"Uhmm. P-pwede ka ba ngayon?"

["Huh? Saan?"]

"Sa park sana. Ang boring kasi eh. Please please?"

["Bakit hindi sina Mistle?"]

"Eh! Dali na kasi! Ayaw mo naman ata eh."

["Hindi naman sa ganun. Aish! Sige na nga!"]

"TALAGA?! Yehey! Thank you. See you! 3:00 sa may park Bye!"

Then I end the call.

*****
3:00 na. Andito na ako sa Park. Hinihintay siya at ilang minuto ang nakalipas, sa wakas dumating na rin si Julius. Tae ah! Nakakapagod maghintay. (Double Meaning!)

Peaceful dito sa park. Makikita mo ang mga batang naglalaro at mga magulang nila o kaya naman mga magkakaibigang tumatambay dito at  mga couples na nagdedate. Parang kami.

Joke.

"So anong balak mo?" Sabi ni Julius.

Ano nga bang balak ko? Nilibot ko ang tingin ko sa park at paligid nito. Mukhang wala nga talaga kaming gagawin dito. Magmamall na lang kami.

"Mall nalang tayo!" Sabi ko.

"Baliw ka talaga. Niyaya mo ako dito tapos sa mall pala tayo babagsak." Natatawa niyang sabi. He's so handsome talaga!

"Sorry na." Nagpeace sign ako.

Since malapit lang ang mall dito, nilakad na namin at after 1234567 years, joke. Mga after 30 minutes, nakarating na din kami sa mall. Sa wakas!

Niyaya ko siyang maglakad muna bago kumain sa Inasal.

"Ay sorry Miss." Napalingon naman ako sa katabi kong nakabunggo pala.

"Okay la—"

"JULIUS?"

"JANINE?"

Okay? Anong nangyayari?

Julius' POV

"JULIUS?"

"JANINE?"

Pagkakataon nga naman. Bakit kailangan ko pa siyang makita? Nasasaktan na naman ako eh. Alam kong ang bakla pakinggan pero yun ang nararamdaman ko at ewan ko ba kung bakit ayaw mawala! Puta.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Ito, broken parin simula nung iwan mo ako." Bulong ko.

"Huh? Anong sabi mo?"

"Sabi ko, Okay lang ako. Gwapo pa din."

"Ah. Haha. Hi miss..?" Lingon niya kay Caisey. Ngumiti si Caisey at sumagot.

"Caisey Andrei Collans. Caisey na lang wala nang miss. Nice to meet you. And you are?"

"Janine, Janine Willson. Nice to meet you too." Nagshake hands sila.

"Uhmm, mag-isa ka lang ba Janine?"-Caisey

"Oo eh."

"Ah, sama ka nalang samin. Kakain lang naman kami."

"S-sure."

Tae talagang babaeng to. Sinama pa to. Tsk.

N
Pumasok kami sa Inasal at nag-order pero si Caisey lang ag nag-order at ito kami ni Janine, nakaupo't naghihintay.

"Uhhm, narinig ko yung binulong mo kanina. Sorry kung nasaktan kita ah? I really need to let you go. I'm so sorry. Can you give me another chance?" Pambabasag niya sa katahimikan at katinuan ko.

"Wala na yun sakin. Bibigyan mo naman ako ng Chance eh. I will prove to you na worth it parin ako gaya ng dati." Baliw na baliw ako sa babaeng to. Hindi ko alam kung bakit pero mahal na maha ko pa siya until now. Naging kami but naghiwalay din after one year for some important matter na kailangan niyang asikasuhin dahilan upang makipagbreak siya sakin. Ang lame ng excuse no? Pero dahil nga sa pag-ibig, wala na sakin yun. Ang mahalaga makasama ko siya.

"Really? Thank you Julius! Thank you!" Niyakap niya ako. I miss her hugs and kisses.

"Ehem." Napatingin naman kai kay Caisey na hawak na ang mga orders namin. Lumayo agad kami sa isa't isa. Ang awkward eh. Di ko din alam kung bakit parang may kakaiba sa kinikilos ni Caisey kamakailan lang and it really made me feel uncomfortable. Hmmmm... Gutom lang siguro to.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon