Chapter 19: Responsibility

172 4 0
                                    

Naglalakad kami sa may grounds ngayon ni Mark. Simula kasi nang malaman niya ang sikreto ko, lagi na kaming magkasama. Siyempre siya lang naman makakaintindi sakin pero ang masama, napapagkamalang 'kami' ng barkada. Dedma lang kami ni Mark pero hindi niya dinededma ang mga babaeng kanina pa nagpapacute sakaniya. Babaero as ever. Pero di niya naman ineentertain masyado, kinakawayan o nginingitian niya lang. May true love na siya eh.

Kung tutuusin, dapat kami ni Juliud ang magkasama dahil kami nga ang Campus Queen and Campus King. Binigyan kami ng responsibilidad ng faculty. Bilang kami ang kailangang maging model ng students dito, kailangan namin makipagcooperate sa students body para masugpo ang mga masasamang gawain ng mga nag-aaral dito. Busy si Julius sa Janine niya kaya si Mark ang sinama ko.

Maya maya, nakakita kami ng away.

"Oy nerd, asan na ang assignment ko?"

"H-huh? Ito oh." Binigay nung nerd yung piraso ng papel at tiningnan naman ni...

Fech.

"Ano ba yan! Ang panget! Ulitin mo nga to!"

"S-sige."

Dahil responsibility ko to, agad ko silang nilapitan.

"Pwede ba Fech? Tigil tigilan mo na ang pang-aapi sa kapwa mo." Sabi ko.

"Well,well,well.." Mapaglaro niyang sabi. "Nagmamagaling ka na ngayon? Porket ikaw ang nanalo bilang Campus Queen? Expert ka talaga sa pagpapakitang tao." Ngumisi siya.

"Wow huh? Pagpapakitang tao? Kailanman hindi ako naging ganun. Hindi ako nagbago. Baka ikaw, dati naman hindi ka ganyan. Anong demonyo ba ang sumapi sayo?"

"Dati yun Caisey! Hindi na ngayon. Natuto na ako sa mga ginawa niyo sakin dati. Bakit ka ba nakikialam dito ha?"

"Nangingielam ako kasi tungkulin ko to. Kaya pwede ba? Lubayan mo na siya."

Tahimik lang na nanonood si Mark pero mukhang di na siya napapakali. Ramdam kong naiinis na rin siya sa mga inaakto ni Fech.

"Wow. So savior ka na ngayon? Sana noon niligtas mo din ako."

"Pinilit kitang iligtas noon! Huwag mong lasunin ang isip at puso mo dahil sa maling akala Fech!"

"Hindi kita papakinggan. Hinding hindi ko papakinggan ang mga walang kwenta at walang katotohanang paliwanag mo!" Umalis na siya.

"T-thank you." Sabi ni Nerd.

"Okay lang dapat hindi ka na nagpapa-api nang ganun." Tumango lang siya at umalis na.

"Bakit kaya ganun na si Fech?" Tanong ni mark.

"Hayaan mo siya. Pinaniniwalaan niya ang mali niyang paniniwala."

At umalis na kami.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon