Chapter 7: Bati na.

209 12 0
                                    

Mistle's POV

Nakakaasar na pinili ng kaibigan mo ang isang lalaki over you. Mapride akong tao pero pagdating sa mga kaibigan ko, isang sorry lang, lumalambot na ako. Hinihintay ko lang ang second apology niya.

Anyways, I'm Mistle Nordle. O diba magkarhyme? Baliw mga parents ko eh. Kaming anim ay magkakaibigan na simula nursery pa. Di kami naghihiwalay ng schools. To be honest, pito kami kaso nangyari ang aksidenteng yun. Mapait balikan ang pangyayaring iyon kaya di na namin pinag-uusapan. Masakit mawalan ng kaibigan pero mas masakit kapag ang rason ng pagkakawala ng pagkakaibigan niyo ay maling akala. Mukhang totoo nga na maraming namamatay sa maling akala tulad ng friendship namin.

Nandito ako sa bahay since walang pasok.

*dingdong* *dingdong* *dingdong* *ding—*

"TANGNA! SAGLIT LANG!" Sino ba to. Kabad vibes eh.

Pagkabukas ko ng pinto, walang tao pero may nag-iwan ng basket. Bakit parang gumagalaw? Kinuha ko ito at nakarinig ako ng kahol. OMG. Wag niyong sabihing...

"KYAAAAAH! ANG CUTE!"

Isang Siberian Husky lang naman! Waaaah! Super duper cute. Gosh! Ikikiss ko ang nagbigay neto.

Pagkapasok ko...

S O R R Y   M I S T L E  =(

Ayan ang nakasulat sa cartolina.

"Mistle, Sorry na. Kasi dapat pupunta ako kaso di niya ako pinaalis. Alam mo naman na weakness ko ang may nakikitang nagtatampo dahil sakin diba? Kaya ayun, wala na akong nagawa at sinamahan siya. Sorry talaga. Sorry." Sabi ni Caisey na halos paiyak na. Kasama niya rin sina Francis, Julius, Mark at Courtney.

Pero teka, Paano sila nakapasok dito?

"Kung paano kami nakapasok, backdoor. Tinulungan kami ng isa sa maid dito. Alam kong matagal mo nang gusto ang mga puppies kaya binilhan kita niyan at nakakatuwa naman kasi nagustuhan mo." Masaya niyang sabi.

"Sus. Matitiis pa ba kita?" Hinug ko siya.

"Thank you and sorry." Bulong niya.

"Oh paano ba yan? Pakainin mo na kami!" Singit ni Mark.

Kahit kailan talaga. Masaya naman ako na kahit papaano, bati na kami.

At ayun nga, dahil si Caisey ang nag-imbita kila Mark, siya ang nagluto at akin ang ingredients. -___-

Afritada ang niluto niya. Ang bango.

Maya maya, natapos na rin siya sa pagluluto.

"Hmmm! Ang bango Chef Caisey!"

"Loko loko." Nasabi lang ni Caisey at inilapag ang niluto niya. Siyempre Self service.

"Grrrrpppp" Sabay sabay naming dighay. Nagkakasundo talaga kami kahit saan.

These guys are the best.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon