Chapter 31: Weird Actions

183 5 0
                                    

Caisey's POV

Isang buwan na ang nakakalipas at ang weird ng mga kinikilos ni Julius. Parang lagi siyang nag-aalala? Tulad nung nagkasakit ako.

*Flashback*

Monday ngayon at nagkaroon ako ng high fever kaya di ako nakapasok. Nagulat ako nang biglang pumasok si Julius, may dalang prutas at bulaklak.

"Oy anong ginagawa mo dito?" Salubong ko sakaniya.

"Wow naman. Ang ganda naman ng bati mo. Ako na nga tong bumisita sayo eh." Nagpout pa ang loko.

"Eh kasi naman..Di ba may pasok ka?"

"Nagcut ako siyempre."

"Pero bakit?"

"Hahayaan ba kitang may sakit dyan? Nag-alala ako nang sobra dahil wala ka sa klase. Yun pala may sakit ka." Kinikilig ako nang sobra.

"O-oy anong tingin yan? K-kumain ka na nga!" Nauutal pa niyang sabi. Hahaha! Ang cute.

*End of Flashback*

Isa pa lang yan. Yun isa, yung magbabar kami.

*Flashback*

Nakasando ako na nakatack-in sa skirt ko. May gimik kami ngayon. Tapos na akong mag-ayos kung kaya't bumaba na ako. Pero pagbaba ko, nakita ko sj Julius sa sala. Nag-aabang at nang nakita ako, parang nainis. Ano bang problema nito?

"Magpalit ka." May awtoridad na sabi niya. Napakunot ako ng noo pero sumunod din.

Nagpalit ako ng jeans tapos off shoulder na damit. Pagbaba ko,napangiti naman ang loko.

"Ayan, better. Sige po tita alis na kami!" kiniss niya si mama sa cheeks. Natawa nalang si mama sa kinilos ni Julius.

*end of flashback*

At ngayon, na nasa cafeteria kami, ang kulit kulit ni Julius. Bilhan daw ba ako ng napakaraming pagkain?

"Kumain ka na dyan. Pag hindi ka pa sumubo, ako magpapakain niyan."

Hindi ko talaga kaya to pero sumubo na ako. Isang pinggan palang ang nauubos ko pero busog na busog na ako.

"Aish! Sayang yan pag di mo inubos. Ako na nga." Kinuha niya ang kutsara ko at tinapat sa bibig ko. "Say ahh.."

Umirap ako at sinubo ang pagkaing nasa kutsara.

"Sweet niyo naman. Hahaha."- Courtney

"Yieeee. Mamamatay na si Caisey sa kilig Julius." -Francis

-___-

Kaibigan ko nga sila. They are right. Kinikilig ako cause I find it sweet.

Julius, you're just making me fall for you again and again but the thought that you can't love me back, makes me give up.


Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon