Chapter 22: Liar

194 6 0
                                    

Julius' POV

Hindi ko maalis sa isip ko na gusto ako ni Caisey. Hindi ko naman intensyong magustuhan niya ako. Lagi lang akong nasa tabi niya dahil ramdam kong kailangan niya ako. Pero di ko akalaing mahuhulog siya sakin na hindj ko naman siya kayang saluhin. Tanging si Janine pa rin ang laman ng puso ko. Nagpaliwanag na rin naman siya sakin.

*Flashback*

Pagkaalis na pagkaalis nila Caisey, agad kong kinomprota si Janine. Ayaw kong maniwala.

"Totoo ba yun?" Panimula ko.

"H-hindi Julius! Hindi totoo yun! Kinukulit lang naman ako ni Mark eh kahit nilalayuan ko siya. Ikaw talaga ang mahal ko Julius. Ikaw lang." Niyakap niya ako. Niyakap ko din siya. Umiiyak siya kaya pinatahan ko. Masyado nang maraming galos ang katawan niya dahil sa ginawa ni Caisey. Sinaktan niya ang taong pinakaiingat-ingatan ko.

*end of flashback*

Ayokong layuan si Caisey pero kailangan para mawala yung nararamdaman niya sakin.

Caisey's POV

Ayoko na! Lalayuan na talaga ako ni Julius.

"Alam mo, kesa magmukmok ka dyan, bakit hindi ka magmall?"

Napaisip ako.

"Oo nga no? So brilliant kuya!"

"Ako pa." Tas nagpogi pose pa siya. Baliw. Kahapon, umuwi ulit siya galing Pampanga. Next week ang flight niya to Italy. Ang dami na ngang napupuntahang lugar neto ni kuya eh di man lang nag-aaya.

Naligo ako at nag-ayos. After that, nagpaalam na ako kay kuya at sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe, di ko maiwasang kabahan. Bakit kaya?

Nang makarating sa mall diretso ako sa Fudge Rock. Ang gaganda talaga ng mga damit dito. Heaven. Bumili ako ng isang white t-shirt na may tatak na "BAE". So cute.

Nang matapos sa fudge rock, dun naman ako sa may nike shop. Bumili ako ng white rubber shoes. Then I went to an accesories shop.

Tingin dito. Tingin doon.

"Wow. Ang ganda." Manghang sabi ko sa sarili ko nang makita ang isang picture na pag ginalaw mag-iiba. Di ko alam yung tawag eh.

Cartoon na Babae't lalaki na magkaakbayan ang nasa first picture tapos pag ginalaw, lalabas ulit silang dalawa but magkaholding hands at nagkikiss na. Sana maging ganito kami.

Naglibot ako ulit at di inaasahang mg tao ang nakita ko. Bakit nandito sila? Malamang Caisey open ang mall sa lahat.

"May nagustuhan ka ba?" Tanong ni Julius kay Janine.

"Wala pa eh." Sagot ng impaktitang si Janine. Argh!

Nandito ako para magrelax pero bakit kailangang ngayon ko pa sila makita? Nasasaktan ako kapag magkasama sila. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko sila.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon