Chapter 18: Hopeless

196 3 0
                                    

Caisey's POV

Nakakaasar! Nakakasar talaga! ARGHHHH!

Kung alam ko lang na ex pala ni Julius ang makati na yun, edi sana naging maayos ang araw ko!

Paano ba naman kasi? Buong araw nakadikit sila sa isa't isa. Para ngang ayaw na maghiwalay eh samantalang ako, OP. Kagigil! Nagseselos ako, OO. Kaso wala naman akong karapatan.

Alam niyo kung anong mas masakit? Yung nagpapasikat si Julius doon sa Janine na yun. Binigyan daw siya ng chance ng ex niya na iniwan pala siya.

"Oy, easy lang, masisira na yung unan oh." Sita sakin ni Mark.

Napatingin ako sa unang kanina ko pa hinahampas hampas. Masisira na nga talaga ito.

"Eh kasi naman eh! Aish!"

"Ano bang problema mo?"

"Wala. Wala akong problema. Kamusta na nga pala kayo nung nililigawan mo?"

"Tsk. Ewan ko ba dun pagniyaya kong lumabas puro busy ako. Sorry next time nalang."

"Sino ba yan? Di mo pa pinapakita samin yang babae mo. Ano naman ang nagustuhan mo dyan?"

"Ewan. Nalove at first sight ata ako sakaniya. Ang ganda niya kasi eh kahit na may pagkamaldita siya."

"Hay nako, ayusin mo lang na hindi ka masasaktan dyan."

"Oo naman. Eh ikaw, anong problema mo?"

Sasabihin ko ba sa kumag na to? Tsk. Sige na nga. Kahit naman babaero to, mapapagkatiwalaan naman siya.

"Hay, wag kag maingay ah? Eh kasi..."

"Kasi?"

"Kasi... Uhmm.."

"Ano?"

"Kasi crushkosiJuliuskasobumalikyungnexniyatbinigyansiyangchancekayaetoakonagmumukmok."
Mabilis kong sabi.

"Osige. Baka naintindihan ko."

"Sabi ko, gusto ko si Julius kaso mukhang may kinahuhumalingan siyang iba kaya nagmumukmok ako ngayon."

"Sabi na nga bang hindi malabo na magustuhan mo si Julius eh. So paano na yan? Anong gagawin mo?"

"Bubugbugin yung babae." Tiningnan niya ako nang masama. "Joke lang. Hindi ko alam pero kapag may ginawang kakatihan yung babeng yun, kakalbuhin ko siya!"

Humiga kami sa kama ko. Teka, bakit nga ba siya nandito?

"Oo nga pala, bakit ka nandito?"

"Wala lang. May problema ako eh siyempre kailangan ko ng pagsheshare-an no. Eh ikae naisip ko, kaya pumunta ako dito. Pinapasok naman ako nung maid mo." Tumango tango lang ako. Napabuntong hininga kaming dalawa.

"Bakit kaya ganun no? Lagi nalang may mahal na iba yung taong gusto natin. Lagi na lang may hindi magandang nangyayari. Bakit hindi na lang kaya mahalin din tayo ng mahal natin? Para wala nang masasaktan. Para wala nang iiwanan." Biglang sabit ko sa gitna ng kawalan.

"Kung pwede lang sana eh kaso hindi."

Tama, hindi pwede pero hindi malabo. Gagawin ko lahat mas
gustuhan niya lang ako, hihintayin ko lang ilet go niya yung impaktita na yun.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon