Chapter 21: War

188 5 0
                                    

Mark's POV

Maganda pero Maldita. Decription ko sa babaeng nagpatibok ng puso ko. FOR REAL. Ewan ko ba dun. Nakilala ko lang siya sa isang studio. Sumama kasi ako sa pinsan kong nagphophotoshoot, nagbabakasakaling makakita ng chicks. Tapos nakita ko siya, at sinimulang iflirt. Mataray siya at pikon na pikon saakin. Nakakatuwa nga kapag napipikon siya haggang sa nahulog ako sakaniya. Gusto ko palang siya hindi pa mahal. Pinayagan niya din akong manligaw.

Naglalakad kami ni Caisey dito sa may plaza. Kami nalang kasi ang nagkakatintindihan kaya kami lagi ang magkasama. Oy! Walang malisya ah! Magkaibigan lang kami nito.

"Tara Mark! May dirty Ice cream doon oh!" Turo niya. No choice ako dahil nacrecrave ako kanina pa sa ice cream.

Bumili kami ng ice cream sandwich.

"Pabili po." Sabi ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako upang makita ito.

"Oh pre! Andyan pala kayo! Ano date?" Tanong ni Julius.

"Naku hindi! K-kayo siguro."

"Oo eh."

Umiwas ako ng tingin.

"J-janine..."

"Oh Mark? Magkakilala kayo?"

Naiyukom ko ang kamay ko. Bakit? Bakit kaibigan ko pa ang sinulot mo?

"Uhmmm.. Mark, May problema ba?" Tanong sakin ni Caisey. "Ah Wait lang ah! May pag-uusapan lang kami nito." Tumango naman si Julius at hinila ako ni Caisey ilang hakbang mula sakanila.

"Ano bang problema mo? Wag mong sabihing..."

"Oo Caisey. S-si Janine nga yung nililigawan ko." Bakas sa mukha ni Caisey ang pagkagulat na napalitan ng inis.

"Sinasabi na nga ba eh! Makati talaga yang babaeng yan!" Nangagalaiting sabi ni Caisey.

Bakit parang ayaw ko siyang pigilang saktan si Caisey? Nasasakop na ako ng sakit na nararamdaman ko.

Caisey's POV

Ang kati talaga ng babaeng yun! Nagagalit na ako! Una, si Julius ngayon naman, ang kaibigan kong si Mark! Putsa!

Di na ako nakapagpigil at biglang sinugod ang kanina pang balisa na si Janine. Wala akong pake kung gagawa ako ng eskandalo dito. Ang importante malaman ni Julius ang katotohanan at maihiganti si Mark.

"Haliparot kang babae ka!" At bigla ko siyang sinampal at sinabunutan. Pilit akong pinipigil ni Julius at Mark pero di ako nagpapatinag. Hindu lumalaban si Janine at tanging salag lang ang ginagawa niya.

"HAYOP KANG BABAE KA! ANG LANDI LANDI MO!" Sabi ko habang sinasaktan ang dinadaganan kong babae ngayon. "HINDI KA PA NAKUNTENTO KAY MARK AT TINUHOG MO DIN SI JULIUS! GINAWA MO SILANG BARBEQUE! TANGNA! ANG LANDI LANDI MO!" Marami nang nanonood samin.

"Kasalanan ko bang maganda ako?" Aba't! Mas lalong kumulo ang dugo ko at sinabunutan siya.

"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO! MAS MAGANDA PA NGA ATA ANG PAA KO KAYSA SAYO! MAKATI KA!"

"Tigil na Caisey!" Rinig kong saway sakin ni Julius. Hanggang sa naramdaman kong tinulak niya ako. Hindj ganoon kalakas pero sapat na para masaktan ako.

"Awat na, Caisey." Mahinahong sabi ni Julius.

"HINDI! NILOLOKO KAYO NIYANG BABAENG—"

"SABI KO ITIGIL MO NA YAN! MANAHIMIK KA NA PWEDE BA? CO-INCIDENCE LANG SIGURO TO. HINDI NIYA NAMAN ATA ALAM NA MAGKAIBIGAN KAMI NI MARK! BAKIT MO BA GINAGAWA TO? BAKIT!?"

Naiiyak ako. Kinakampihan niya si Janine. Ang sakit parang dinudurog ang puso ko.

"Gusto mo malaman kung bakit? kasi gusto kong iganti si Mark dahil nasasaktan siya. Kasi nasasaktan ako para sayo. Kasi ayaw kong mabulag ka sa pagmamahal mo sa babaeng yan."

"Naiintindihan ko naman na ayaw mo kaming masaktan ni Mark dahil kaibigan mo ka—"

"HINDI LANG DAHIL DOON! KASI GUSTO KITA! GUSTO KITA JULIUS!"

Nagulat ako sa ginawa kong pag-amin maski siya. Pero nasabi ko na, nagawa ko na. Wala nang bawian.

"A-ano bang sinasabi m-mo?"

"Gusto kita simula noong bumalik ako dito sa Pinas. Nagustuhan kita kasi lagi kang nandyan para saakin. Nagustuhan kita kasi pinoprotektahan mo ako kaso ANG MANHID MO! ANG MANHID-MANHID MO!"

Umiiyak na ako nang sobra. Wala ring pumipigil samin maski maraming nanonood. Yumuko siya at umiwas ng tingin.

"P-pasensya na Caisey pero hindi kita gusto."

BOOM.

hindi kita gusto
hindi kita gusto
hindi kita gusto

Paulit ulit na naririnig ko ang mga katagang binitiwan niya at paulit-ulit ring pinupokpok ang puso ko.

Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo habang umiiyak. Narinig ko pang tinawag ako ni Mark pero di ko iyon pinansin.Nanlalabo na ang mata ko pero tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon