Chapter 30: Saved

222 6 0
                                    

Julius' POV

"Ano nang gagawin natin?! Dad!" Pag-aalala ni Kuya Andrew.

Kakauwi niya lang pero ito kami, di na maparalisa dahil sa nakidnap si Caisey. Tumawag pa yung pesteng kidnapper na galit sa parents ni Caisey dahil lang sa isang unacceptable offer.

"Pano na to? Tita, wag daw kayong magsasama ng iba lalo na ng police. Hindi magiging maganda kapag kayo lang po ang pumunta doon." Sabi ni Francis.

"I think, we need to have a plan." Seryosong sabi ni Mistle.

Tama. Isang magandang plano.

After few hours ng pagpaplano, nakabuo na rin kami ng gagawin. Mamayang gabi, 6:00 pm pupunta na kami sa warehouse ng mga kidnappers. Sina tita at tito muna ang pupunta at makikipag-usap. Kunwari, tatanggapin nila pero ang totoo niyan, kapag napakawalan na si Caisey, dun na kami susugod. May mga kasama kaming police siyempre. Di pwedeng tanggapin nina tito yung offer na yun dahil illegal. May drug substance kasi sa product na yun.

"Let's move guys."

Wait for us Caisey. We'll save you, I'll save you.

Caisey's POV

Pagod na ako. Paano ba naman kasi? Nakaupo lang ako at ngawit na ngawit na ang kamay at paa ko dahil kanina pa nakagapos.

Dalawang araw na ako dito. Pinapakain naman ako nang maayos at pinagpaligo. Hindi ko naman magawang makatakas dahil walang bintana o butas man lang sa warehouse na to. Hindi rin naman ako ginagalaw dito. Sa pagtulog, may folding bed dito pero nakagapos parin ang kamay at paa ko kahit natutulog. Tsk.

"Pakawalan niyo na daw siya sabi ni boss." Sabi nung tauhan nung kumidnap sakin.

Tinanggal nila ang tali ko. Grabe. May bakat na oh. Putek ang puti ko pa naman. Paglabas namin dun sa room ko, nakita ko agad sina mommy and daddy.

"MOM! DAD!"

Niyakap ko sila agad.

"Drama. Since natanggap na ng parents mo ang offer ko, papakawalan na kita. Umalis na kayo. Bilis!"

Dahil na rin sa takot, tumakbo na kami palabas.

"Mommy, why do you accept his offer? It's illegal mom! You'll be caught!" Sabi ko habang tumatakbo.

"Anak, We'll explain it to you later." Sabi ni daddy sa pagitan ng mga hingal.

Paglabas namin ng warehouse, maraming police, si kuya at andun din sina Julius. Si Julius, namiss ko siya. But there's a lot of things running in my mind.

"Chief sige na. Pasok na kayo." Utos ni daddy at sumunod naman sila.

"My little girl!" Niyakap ako ni kuya. Waaaah! Namiss ko si Kuya. Kakauwi niya lang ata galing south korea.

"Namiss kita baby girl!"

"Namiss din kita kuya!"

Maya maya pa, lumabas ang mga police na huli ang mga tauhan sa loob at yung master nila.

"HAYOP KAYO! MGA TRAYDOR! PAGBABAYARAN NIYO ITO!" Nangagalaiting sambit nung master nila. Ngumisi si daddy.

"Yun ay kung makakalabas ka pa dyan. And For your information, binabawi na namin ang pagtanggap sa offer mo. It was all just a plan."

Nagpakawala ng tingin yung kidnapper samin. Geez. Creepy and at the same time, sarap dukutin ang mata niya. Tuluyan na siyang pinapasok sa police car.

"Julius, kayo munang bahala kay Caisey okay? Sasama lang kami sakanila." Bilin ni mommy kila Julius at umalis na rin kasama si kuya gamit ang kotse nila.

"Ano Caisey?! Pinakain ka ba? Pinaligo ka ba? Eh yung pagtulog? Maayos ba? May kama ba? Eh yung mga kama—"

Pinutol ko na ang sasabihin ni Mark.

"Baliw ka. Alam ko namang nag-alala ka saakin ng sobra. Okay lang ako." Nginitian ko siya.

Sumakay kami sa van ni Francis at inihatid ako sa bahay. Pagkarating namin, nagluto agad si Courtney at Mistle ng pagkain. Si Mark at Francis naman, kumuha ng first aids. Si Julius, sinamahan ako sa kwarto.

"A-ah thank you kasi di niyo ako pinabayaan."

"Ano ka ba? Wala yun basta ikaw." Kumindat siya.

"Ano ka ba, wag kang ganyan baka lalo akong mainlove." Biro ko na totoo naman. Gwapo kasi eh.

"Sus. Pagod ka na nga talaga. Kung ano anong sinasabi mo eh." Ngumiti na lang ako at tumingin sa bintana.

"Julius.."

"Hmm?"

"Hanggang Kaibigan lang ba talaga? Di ba pwedeng same din ang feelings mo? Desperada na kung desperada pero sobra kasi akong nasasaktan. Sagutin mo lang yung tanong ko para alam ko na gagawin ko. Kung ipagpapatuloy ko pa ba o susuko na ako." Malungkot kong sabi.

Tumahimik siya at hindi kumibo pero ilang saglit lang, nagsalita siya.

"E-wan ko C-caisey. Hindi ko alam." Tapos umiwas siya ng tingin.

"Ewan ko? Ano ba namang klaseng sagot yan." Tumawa ako pero fake lang. Sa totoo lang, miss na miss ko na tong lalaking to.

"Namiss kita. Alam mo ba? Lagi kitang iniisip? Tapos kapag naiisip ko na any time, pwede akong mawala, nalulungkot ako kasi di kita kayang mawala at iwanan." Sabi ko at niyakap siya.

"Ako din.. di ko kayang mawala ka sakin.." Mahina pero rinig kong sabi niya na nagpangiti sakin.

Julius' POV

"Ako din.. di ko kayang mawala ka sakin.." Di ko alam kung bakit ko nasabi to pero galing sa puso ko ang mga katagang iyan. Noong nawala siya, di ako makatulog. Lagi ko siyang inaabangan sa bahay nila. Minsan nga, dito na ako nagtutulog sa kwarto niya. Sobra siyang mahalaga saakin. Masaya ako kapag kasama ko siya. Ang sarap sa pakiramdam na niyayakap niya ako. Nabulag ako kay Janine pero ginising niya ako, di ko naman siya pinakinggan. Nagsisi ako nang sobra noon. Di ko rin kayang di kami nagpapansinan at lumalayo sa isa't isa. Kaya nung nagkabati kami, sobrang tuwa ko noon. Ayaw ko siyang nasasaktan dahil pagumiiyak siya, nagagalit ako sa may gawa. Iba ang mahal sa gusto at sa tingin ko naman, gusto ko na talaga siya dati pa. Nagpadala lang ako sa bugso ng damdamin ko.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon